SCIENTIFIC REVOLUTION AND AGE OF ENLIGHTENMENT Flashcards
Tumutukoy sa panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na may kinalaman sa agham.
Rebolusyong Siyentipiko
Geocentrism Theory (Geocentric View)
Ptolemy
Heliocentrism Theory (Heliocentric Theory, 1543). Nagsulat ng akda na kaniyang pinamagatang De revolutionibus orbium coelestium (On the Revolution of the Heavenly Spheres).
Nicolaus Copernicus
Nag-imbento ng teleskopyo noong 1609 na nakatulong upang kaniyang siyang maobserbahan ang mga bagay sa kalawakan.
Galileo Galilei
Ilan sa mga halimbawa ay: hindi patag ang ibabaw ng buwan, mga buwan ng Jupiter (Europa, Ganymede, Io, at Calisto). Ang pagiging planeta (na inaakala ng marami’y isang bituin) ng Venus bilang planetang nakapaloob ang orbit sa araw.
Galileo Galilei
Inilathala niya ang mga ito sa kaniyang akda, ang Dialogue Concerning the Two Chief World Systems (Dialogo sopra i due massimi sistemi del mondo) noong 1632. Dahil dito, siya’y sumailalim sa Roman Inquisition.
Galileo Galilei
Isang Danish astronomer na lalong napagtibay ang teorya ni Copernicus sa tulong ng kaniyang masusing pag-aaral at obserbasyon ng maraming bagay sa kalawakan tulad ng kalikasan ng kometa, iregularidad ng orbit ng buwan at ng mga planeta, at pagkadiskubre sa bituing Cassiopeia, isang konstelasyon sa Hilagang Hemispero.
Tycho Brahe
Siya ay mula sa Germany at kaniyang inilathala ang mga gawa ni Brahe noong 1601 matapos mamatay ni Brahe. Inimungkahi rin ni Kepler na hindi sirkular, bagkus ay eliptikal ang orbit ng mga planeta.
Johannes Kepler
Isang English Mathematician na nakapagtunay sa kalikasan ng kalakawan sa tulong ng law of gravity, law of inertia na magiging resulta ng kaalaman patungkol sa gravitational pull.
Johannes Kepler
Ayon sa kaniya, ang gravitational pull ay nakakatulong upang maging “intact” ang posisyon at kabuuan ng isang planeta. Ang kaniyang mga ideya makikita sa akdang Mathematical Principles of Natural Philosophy na inilathala noong 1687.
Isaac Newton
Nakapagbigay impormasyon patungkol sa anatomiya ng tao.
Andres Vesalius
Isang English doctor na nakatuklas at nakapagpaliwanag sa sirkulasyon ng dugo at mga bagay na may kinalaman sa puso.
William Harvey
Isang Dutch microbiologist na nakatuklas ng mga single-celled na organismo sa pamamagitan ng microscope.
Antonie Van Leeuwenhoek
Isang Swedish botanist na nanguna sa pag-aaral ng mga halaman at hayop. Ang akdang kaniyang nailathala noong 1753 ay nakapagpaunlad ng Sistema ng pagpapangalan at pagkaklasipika ng halaman at hayop. Ama ng Taksonomiya.
Carolus Linnaeus
Isang English na abogado kung saan naging mas kilala sa ambag niyang “Pamamaraang Baconian” – inductive and deductive methods/reasoning. Nagagmit ito bilang paraan o “approach” sa pag-aaral ng Agham/Siyensya.
Francis Bacon
Isang French na pilosopo at mathematician na kilala sa kaniyang tanyag na linyang “Cogito, ergo sum” na ang ibig sabihin ay “I think, therefore I am.” Isinantabi niya ang scholasticism.
Rene Descartes
Binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag sa paniniwala noong Gitnang Panahon.
Age of Enlightenment
Isang English philosopher na tumalakay sa kalikasan ng tao sa pagiging makasarili kaya palaging katunggali ng mga tao ang kanilang kapwa tao.
Thomas Hobbes