SAS 3 Flashcards
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng kilos o kahit anong bagay sa pagpapahayag ng saloobin,
kaisipan, pangarap, likhang-isip, pananaw, at pilosopiya ng isang tao
Di-berbal na Komunikasyon
Klasipikasyon ng di-berbal na komunikasyon
- Oras (Chronemics)
- Espasyo (Proxemics)
- Katawan (Kinesics)
- Pandama (Haptics)
- Simbulo (Iconics)
- Kulay (Colorics)
- Paralanguage
- Oculesis
- Olfactories
- Pictic/Ekspresyon ng Mukha
- Vocalics
Ito ay napatutungkol sa paggamit ng oras o panahon sa paghahatid ng mensahe.
Oras (Chronemics)
Ito ay ang agwat o distansya na kung saan ang lapit at layo ay maaaring makapagbigay ng
mensahe.
Espasyo (Proxemics)
Ito ay pagpapahayag na ginagamitan ng iba’t ibang kilos ng katawan.
Katawan (Kinesics)
Ito ay tumutukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos o paghawak sa taong kausap.
Pandama (Haptics)
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng icon (simbolo, larawan, representasyon) upang maipahayag ang nararamdaman sa isang tao.
Simbulo (Iconics)
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng kulay sa paghahatid ng mensahe.
Kulay (Colorics)
Ito ay tumutukoy sa gamit ng iba’t ibang tono o intonasyon upang mabago ang mensaheng nais
iparating sa kausap.
Paralanguage
Ito ay tumutukoy sa gamit ng mata.
Oculesis
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng ating pang-amoy sa paglalahad ng mensahe.
Olfactories
Matatagpuan sa ating mukha ang maraming muscle kaya’t hindi natin maiiwasang makakita tayo ng iba’t ibang paggalaw (facial expression) na maaaring magbigay ng iba’t ibang mensahe.
Pictic / Ekspresyon ng Mukha
Ito ay napatutungkol sa iba’t ibang tunog na kayang likhain ng tao.
Vocalics