Samahan Ng Lipunang Sibil Flashcards
Ito ang pinagsanib na pangkat mula sa komunidad, simabahan, paaralan, mga samahang
pangkapaligiran at pangkalusugan na nagtataguyod ng likas-kayang solusyon. Ilan sa mga
pinagtutuuan ng pansin ay ang kalat ng mga toxic materials na ginagamit sa mga laruan at
kagamitang pampaaralan na malayang ibinebenta sa pamilihan.
Eco Waste Coalition
ay naglalayong wakasan ang
kahirapan ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga panlipunan at
pangkabuhayang serbisyo na magpapanumbalik sa dignidad ng mga mahihirap
Gawad kalinga
Itinatag noong 1947, ito ang pangunahing samahan ng bansa na nagtataguyod sa pagliligtas at
pangangalaga ng buhay sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng makataong paglilingkod upang
mapangalagaan ang buhay at dignidad ng mga kapus palad.
Philippine Red cross
Inilunsad ang programang ito ng Lingkod Kapamilya Foundation noong 1997 na naglalayong
bigyang pansin at proteksyon ang mga batang biktima ng pang-aabuso sa pamamagitan ng isang
nationwide network ng panlipunang serbisyo. Kabilang ito ang national emergency hotline 163,
kung saan maaari makatawag ang mga mamamyan upang isumbong ang mga insidente ng pangaabuso sa mga bata
Bantay bata 163
Itinatag noong 1972 at itinuturing na pangunahing kilusan na nagtataguyod sa kalikasan. Ang
HARIBON ay pinaikling tawag sa haring ibon o ang Philippine Eagle. Ang misyon nila ay maitaguyod
ang mga pamamaraan kung paano mapamamahalaan ng mga komunidad ang kapaligiran.
HARIBON foundation