SALIK NG SUPLAY Flashcards
Ipaliwanag: Pag-unlad ng teknolohiya
napapabilis ang produksiyon sa pagpapadali ng paggawa ng produkto, kaya’t dumadami ang suplay
Ipaliwanag: Pagbabago sa inaasahang presyo o ekspektasyon ng mga negosyante
kung mataas ang espekulasyong produkto, nagtatago ng produkto ang negosyante—nababawasan ang suplay (hoarding)
kung mababa naman, naglalabas ng mga stocks ang mga negosyante—umaakyat ang suplay
Ipaliwanag: hoarding
Itinatago ng mga negosyante ang kanilang produkto sa tuwing mataas ang inaasahang presyo
Ipaliwanag: Buwis na itinakda ng pamahalaan
Sa pagmahal ng buwis, mas kaunti ang gastusin ng negosyante para sa materyales, kaya’t bitin ang gastusin sa materyales at napapabagal ang produksiyon—bumabawas ang suplay
Ipaliwanag: Subsidy na mula sa pamahalaan
Ang subsidy ay tumutukoy sa pinansiyal na tulong ng gobyerno. Nakatutulong ito sa badyet ng negosyante na ipanggagawa ng materyales (bumababa ang kanilang gastusin), kaya’t bumibilis ang produksiyon—umaakyat ang suplay
Ipaliwanag: Pagbabago sa dami o bilang ng negosyante
Sa pagdami ng mga negosyante, umaakyat ang suplay
Ipaliwanag: Importasyon ng kalakal
Sa tuwing may kakulangan sa lokal na ekonomiya ng bansa, nag-iimport ito ng mga produkto galing sa labas—umaakyat ang suplay
Ipaliwanag: Presyo ng materyales sa produksiyon
Kung mamahalin ang mga materyales, limitado lamang ang nabibili—bumababa ang suplay
Ipaliwanag: Presyo ng ibang kalakal
Naaapektuhan ang oresyo ng ibang kalakal. Halimbawa ay ang pagbaba ng supkay ng palay bilang resulta sa pagtaas ng suplay ng mais.
Ipaliwanag: Kalamidad
Ang pinsalanv dulot ng kalamidad ay nakaaapekto sa mga materyales na pampagawa ng produkto—bumabawas ang suplay
nangyayari kung ang presyo ay nananatili at ang ibang salik ay constant
Paglipat ng kurba ng suplay
nangyayari kung may pagtaas sa presyo ng produkto
Extension
Nangyayari kung may pagbaba sa presyo ng kalakal
Contraction
Nangyayari sa paglaki ng suplay na walang pagbabago sa presyo.
Rightward shift
Nagyayari kung nababawasan ang suplay pero ang presyo’y nananatili
Leftward shift