RH Law Flashcards
Magkatuwang na responsibilidad
ng ama at ina.
Responsible Parenthood
Kusang pagpapalaglag, pagtanggal o pagkitil sa numumuong embryo o fetis sa sinapupunan ng ina.
Abortion
Ang hindi inaasahan o aksidenteng pagkakalaglag ng namumuong sanggol ay tinatawag na
Miscarriage
Paggamit ng gamot, aparato, sexual practices, o surgical procedure para pigilan ang pagbubuntis o pagkakaroon ng maraming anak.
Birth Control
Isang aktibista, sex educator, manunulat, at nars sa Estados Unidos.
Margaret Sanger
pagpupulong pulong ng 80 kinatawan ng mga bansang kasali sa United Nations para pagtibayin at pagkasunduan ang Proklamasyong Teheran noong ika-13 ng Mayo 1968 para sa mga pangunahing karapatan ng mga magulang para malaya at responsableng matukoy ang dami at agwat ng taon ng kanilang mga anak.
International Conference on Human Rights
Pagpupulong na naganap sa Cairo, Egypt kung saan pinagtibay ang isang programa na nakatuon sa reproductive health at karapatan ng kababaihan. Suportado ito ng United Nations Population Fund.
International Conference on Population and Development
Ito ay isang programa na nagbibigay- pahintulot sa mag asawa na malaya at responsableng makapagdesisyon para maisakatuparan ang minimithing dami ng anak at ang wastong agwat ng mga ito. Ang wastong agwat sa pagbubuntis ay nasa tatlo hanggang limang taon.
Family Planning
Access sa lahat ng paraan, pasilidad, serbisyo, at suplay pangkalusugan na makatutulong sa pagkakaroon ng kalusugang reproduktibo.
Reproductive Health Care
Gamot o sangkap na may kakayahang ilaglag (abort) ang fetus sa sinapupunan ng ina.
Abortifacient
isang natural at ligtas na paraan ng pagbubuntis. Layunin nitong turuan ang kababaihan kung paano malalaman ang kanilang fertility period para alam kung kailan at hindi dapat makipagtalik sa asawa batay sa menstrual cycle. Tinatawag rin itong fertility awareness- based method
Billing Ovulation Method
Gabay na panuntunan sa pagpapatupad.
Seksyon 3 (a)
Ang sistema ng National Drug Formulary at ang kagamitang pamplano ng pamilya.
Seksyon 9
Pagkuha at pamimigay ng kagamitang pamplanong pampamilya.
Seksyon 10
Pagsasama ng responsableng pagmamagulang at pagpapalano ng pamilya sa mga programang laban sa kahirapan.
Seksyon 11