Revision for 2nd quarter exam Flashcards
______ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
telebisyon
Ang mabuting epekto ng paglaganap ng _______ para marating ang malalayong pulo at ibang bansa.
cable o satellite conncetion
____ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel.
Wikang Filipino
Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye. Mga pantanghaliang palabas. Mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.(Tama o Mali)
Tama
Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o patanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng Wikang Filipino.(Tama o Mali)
Tama
______ ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
Wikang Filipino
Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.(Tama o Mali)
Tama (Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo)
Sa dyaryo ay ______ ang ginagamit sa broadsheet at ______naman sa tabloid.
wikan Ingles, wikang Filipino (Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo)
______ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
Tabloid
Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa.
Tabloid(Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo)
Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad.
Tabloid(Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo)
Hindi pormal ang mga salita.
Tabloid(Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo)
_____ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
Ingles (Sitwasyong Pangwika sa Pelikula)
_____ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
Filipino(Sitwasyong Pangwika sa Pelikula)
Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.(Tama o Mali)
Tama(Sitwasyong Pangwika sa Pelikula)
Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng mamamayan ng bansa ang nakauunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.(Tama o Mali)
Tama(Sitwasyong Pangwika sa Pelikula)
Ang nananaig na tono ay _____at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng propesyonalismo.
impormal(Sitwasyong Pangwika sa Pelikula)
Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago nito ay umusbong ang iba’t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media.(Tama o Mali)
Tama (Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang Popular)
Isang mahusay at maimpluwensiyang lingguwista at anthropologist na maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan.
Dell Hathaway Hymes
Siya ay inilalarawan bilang sociolinguist at anthropological linguist. Siya ay higit na naging interasado sa simpleng tanong na, “Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?”
Dell Hathaway Hymes
Ang terminong ______ ay nagsasabing ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence(Kakayahang Pangkomunikatibo)
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwastikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naayon sa kanyang layunin.(Tama o Mali)
Tama(Kakayahang Pangkomunikatibo)
Simula nang maipakilala sa _____ ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo, maraming pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubwika patungkol dito.
diskursong panlingguwistika(Kakayahang Pangkomunikatibo)
May ilang nagsasalungatang ideya, gayunpaman, sa huli’y nagkaisa sila na ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan at galing sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.(Tama o Mali)
Tama(Kakayahang Pangkomunikatibo)
Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangan pantay na isaalang-alang ang pagtatakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit sa teksto.
(Higgs at Clifford, 1992)(Kakayahang Pangkomunikatibo)
Naniniwala naman si _____, na ang paglinag sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang mapahalagahan nang lubusang ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Dr. Fe Otanes(Kakayahang Pangkomunikatibo)
Naniniwala naman si _____, na ang paglinag sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang mapahalagahan nang lubusang ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Dr. Fe Otanes(Kakayahang Pangkomunikatibo)
Sa pangkalahatan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal at kapaki-pakinabang.(Tama o Mali)
Tama (Kakayahang Pangkomunikatibo)
Ito ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura.
Kakayahang Pangkomunikatibo
Sa mga silid-aralang nangyayari ang _____na pagkatuto ng wika.
pormal (Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Nasusukat ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop na pagkakataon.(Tama o Mali)
Tama(Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Nararapat kung gayon na ang pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan ay maingat mula sa pagkilala lang sa gramatika upang mapalawig, maiugnay at magamit sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong mundo, pasulat man o pasalita.(Tama o Mali)
Tama(Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong may aktibong inter-aksiyon sa pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa kapwa estudyante.(Tama o Mali)
Tama(Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Ang _____ang nagsisilbing tagapatnubay/facilator lamang sa iba’t ibang gawain sa klasrum.
guro(Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga awtentikong pagtataya tulad ng pagsasagawa ng mga gawaing pangkomunikatibong aktuwal na nangyayari sa totoong buhay, pagbuo ng malikhain at makabuluhang pagpapahayag gamit ang wika.(Tama o Mali)
Tama(Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan, makatutulong ito upang makalinang ng mga Pilipinong may kakayahang pangkomunikatibong handa sa mga hamong dala ng buhay sa ____
21 siglo.(Silid-aralang ang Daan Tungo sa Paglinang ng kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino.)
Mayroon tatlong komponent ang kakayahang pangkomunikatio; ______
gramatikal, sosyolingguwistiko at istratedyik.(Komponent ng kakayahang Pangkomunikatibo)
Sa sumunod na bersiyon ng modelo, si _____ay nagsali ng ilang elemento mula sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na component ang kakayahang diskorsal.
Canale(Komponent ng kakayahang Pangkomunikatibo)
Unang komponent;____
ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang gramatikal.
Sinabi nina ______, na ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky ay kapareho lang ang kakayahang gramatikal.
Canale at Swain(Komponent ng kakayahang Pangkomunikatibo)
Ayon kina _______ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at pang-ortograpiya.
Canale at Swain(Komponent ng kakayahang Pangkomunikatibo)
Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalit upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.
Komponent ng kakayahang Pangkomunikatibo
pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan
Sintaks (Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal (Celce-Murcia, Dornyei at Thurell (1995))
Istruktura ng pangungusap
Sintaks
Tamang pagkasunod-sunod ng mga salita
Sintaks
Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos at padamdam)
Sintaks
Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
Sintaks
Pagpapalawak ng pangungusap.
Sintaks
Mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita
Morpolohiya
Iba’t ibang bahagi ng pananalita
Morpolohiya
Prosesong derivational at inflectional
Morpolohiya
Pagbubuo ng salita
Morpolohiya
mga salita o bokabularyo
Leksikon
- Pagkilala sa mga;
a) Content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay_
Leksikon
Pagkilala sa mga; Function words (panghalip, pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-angkop)
Leksikon
Konotaston at denotasyon
Leksikon
Kolakasyon (pagtatambal ng salita sa isa pang subordinate na salita)
Leksikon
Segmental (katinig, patinig, tunog)
Ponolohiya o palatunugan
Suprasegmental (diin, intonasyon, hinto)
Ponolohiya o palatunugan
Mga grafema (titik at di titik)
Ortograpiya
Pantig at palapantigan
Ortograpiya
Tuntunin sa pagbaybay
Ortograpiya
Tuldik
Ortograpiya
Mga bantas
Ortograpiya
Ginagamit ni _______bilang _____acronym upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasn. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
Dell Hymes ang SPEAKING (Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon)
Ang lugar o pook kung saan nag-uusap ang mga tao.
Setting
Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao.
Setting
Katulad ng pananamit, ikino-konsidera din natin ang lugar na pinapangyarihan ng pakikipagtalastasan upang maiangkop ang paraan ng ating pananalita.
Setting
Mga layunin ng pakikipagtalastasan, dapat bigyan ng konsiderasyon ang layunin sa pakikipag-usap.
Ends
Nararapat lang na isaalang-alang ang layunin natin sa pakikipag-usap upang maiangkop natin ang paraan ng ating pakikipagtalastasan.
Ends
Ito ay ang mga taong nakikipagtalastasan, isinasaalang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kakausapin.
Participant
Hindi natin kinakausap ang ating guro sa paraang ginagamit natin tuwing kausap natin ang mga kaklase o kaibigan.
Participant
Ito ay ang takbo ng usapan, dapat na bigyang pansin din ito.
Act Sequence
Minsan ay nag-uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay madalas itong humahantong sa mapayapang pagtatapos.
Act Sequence
Ang isang mahusay na komunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.
Act Sequence
Tono ng pakikipag-usap, nararapat na isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di-pormal.
Keys
Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat.
Instrumentalities
Dapat isaisip ang midyum ng pakikipagtalastasan.
Instrumentalities
Iniaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ang sasabihin natin at kung saan natin ito sasabihin.
Instrumentalities
Paksa ng usapan, mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
Norms
May mga sensitibon bagay na kung minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman.
Norms
Sa mga ganitong sitwasyon, suriin muna nating kung ang ilalahad natin ay tama o hindi.
Norms
Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran.
Genre
Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan.
Genre
Minsan dahil sa mikomunikasyon sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang magkausap.
Genre
Pag-unawa batay sa pagtukoy sa Sino, Paano, Kailan, Saan at Bakit Nangyari ang Sitwasyon Komunikatibo
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Sa gitna ng maraming diskusyon, maganda ang naging pananaw ni _____, isang propesor sa University of _____, sa pagkakaiba ng competence at performance.
Savignon,Illinois
Ayon sa kanya, ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika habang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika.
Savignon
Idinagdag niya na ang kakayahan o kaalaman ng tao sa wika ay makikita, o madedebelop at matataya lamang gamit ang pagganap.
Savignon
Itinutumbas niya ang kakayahang pangkomunikatibo sa kakayahang gamitin ng tao ang isang wika.
Savignon
Ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyon pinag-uusapan at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan.
Savignon
Kakayahan ng tao na gamitin ang wika na maangkop sa panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikatibo.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Lumilikha at umuunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Lumilikha at umuunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Isinasaalang-alang ang salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng interaksyon at itinakdang kumbensyon ng interaksyon.
Kakayahang Sosyolingguwistiko
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
KAKAYAHANG PRAGMATIK AT ISTRATEDYIK
ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
KOMUNIKASYON
Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal.
KOMUNIKASYON
Maliwanag na sa isang sitwasyon ng pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at may tagatanggap.
KOMUNIKASYON
Ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.
VERBAL
Kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap.
DI VERBAL
pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
Kinesika (Kinesics)
pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid.
Galaw ng mata (Oculesics)
pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis o bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbal na komunikasyon.
Vocalics
pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.
Pandama o Paghawak (Haptics)
pag-aaral ng komunikatibong gamit ang espasyo. Ang magkausap ay may iba’t ibang uri ng proxemic distance na ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon.
Proksemika (Proxemics)
pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating.
Chronemics
Ang isang taong may kakayahang ito ay natutukoy niya ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Nararapat ding malamang may iba’t ibang salik pang dapat isaalang-alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektuwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder, at ang pagtatagpo ng kani-kanilang interpretasyon.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Isa pang kakayahang pangkomunikatibo na dapat taglay ng isang mahusay na komunikeytor.
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
May kakayahang magamit ng isang tao ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan o puwang sa komunikasyon.
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
Sa isang bagong nag-aaral ng salitang hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga di verbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng mukha at marami pang iba upang maipaabot ang tamang mensahe.
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
Ang mga Pilipino ay madalas gumagamit ng sensyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag may nagtatanong ng lokasyon ng isang lugar.
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
KAKAYAHANG DISKORSAL
Kung saan nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng tao.
Komunikasyong Intrapersonal(Tatlong Antas ng Komunikasyon)
Tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaaring sa pagitan ng dalawang tao o sa maliit na grupo.
Komunikasyong Interpersonal(Tatlong Antas ng Komunikasyon)
Noon patungkol ito sa pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng maraming tao, ngayon ay saklaw na rin ng antas na ito ang komunikasyong pampolitika, panlipunang pamimili at pagtitinda, pagpapatatag ng samahan at estratehikong pananaliksik.
Komunikasyong Pampubliko(Tatlong Antas ng Komunikasyon)
Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
Komunikasyong Pampubliko(Tatlong Antas ng Komunikasyon)
Ang isang taong may taglay nito ay nakapagbibigay ito ng wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
Komunikasyong Pampubliko(Tatlong Antas ng Komunikasyon)
May dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal _____
ang cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay.(Tatlong Antas ng Komunikasyon)
Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.(Tama o Mali)
Tama
Dapat tandaang ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.
(Bagari et al., 2007)(Anim na pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo)
Sina ______ ay nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo.
Canary at Cody (2000)(Anim na pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo)
Ang isang taong may kakayahang magbago ang ugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Pakikibagay (Adaptability)
Pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
Pakikibagay (Adaptability)
Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
Pakikibagay (Adaptability)
Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
Pakikibagay (Adaptability)
Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba
Pakikibagay (Adaptability)
May kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
Kakayahang tumugon
Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
Kakayahang makinig at magpokus sa kausap
Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)
Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)
Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
Pagkapukaw-damdamin(Empathy)
Taong may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.
Bisa (Effectiveness)
Isang taong may kakayahang maiangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap o sa taong kausap.
Kaangkupan (Appropriateness)
Napakahalagang piliing mabuti ang paksa.
Pagpili ng Mabuting Paksa
Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri.
Pagpili ng Mabuting Paksa
Kapag napagpasiyahan na ang paksa, bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis.
Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
Ang pahayag na ito ay nagsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.
Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
Talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, web at iba pang nalathalang materyal.
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Pangalan ng awtor
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Pamagat ng kanyang isinulat
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Impormasyon ukol sa pagkakalathala
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Mga nalimbag
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Lugar at taon ng pagkakalimbag
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Pamagat ng aklat
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya.
Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy sa materyal.(Tama o Mali)
Tama (Paghahanda ng Tentatibong Balangkas)
Isulat ng maayos ang iyong mga itinala sa nakalap na mga impormasyon sa bibliograpiya.
Pangangalap ng Tala o Note taking
Maaring ganito ang pormat ng iyong pagkasulat.
Pangangalap ng Tala o Note taking
Kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian.
Tuwirang sinipi
Gumamit ng panipi sa simulat at dulo ng sinipi.
Tuwirang sinipi
Pinaikling bersisyon ng isang mas mahabang teksto.
Buod
Ito’y maikli subalit nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto.
Buod
Pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
Hawig
Pinal na pagsusuri ng mabuti sa tinalang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay na kailangang baguhin o ayusin para masimulan na ang pagsulat ng iyong borador.
Pagsulat ng Borador o Rough Draft*
Kababahasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin.
Introduksiyon(Pagsulat ng Borador o Rough Draft)
Pagsulat ng Borador o Rough Draft
Katawan(Pagsulat ng Borador o Rough Draft)
Nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa pananaliksik.
Kongklusyon(Pagsulat ng Borador o Rough Draft)
I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong borador.(Tama o Mali)
Tama (Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador)
Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik.
Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian.
Sa pasulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:
Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan, web site at iba pa.
Sa pasulat ng bibliyograpiya
Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
Sa pasulat ng bibliyograpiya
Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng pagsulat nito.(Tama o Mali)
Tama (Sa pasulat ng bibliyograpiya)
Kung ang napiling ay American Psychological Association (APA), maaring sundan ang sumusunod na pattern para maisulat ang mga ginamit na sanggunian.