Reviewer - 3rd Quarterly Flashcards
Matatawag na ___ ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari.
Opinyon
Ang mga pahayag na may ___ ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan.
Katotohanan
Ito ay tumutukoy sa pagkalat ng kabutihan, hindi lamang pansarili kundi para na rin sa nakararami
Ispirituwal na halaga
Ito ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo.
Katotohanan
Ito ay mga impormasyon na batay sa saloobin
at damdamin ng tao
Opinyon
Pangalawa sa pinakamataas na uri ng pagpapahalaga
Ispirituwal na halaga
Ang salitang Birtud ay galing sa salitang ___ o ang pagiging malakas at matatag.
virtus (vir)
Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Opinyon
Kadalasan, ito ay NAGDIDIKTA at ginagamit na basihan sa paggawa ng desisyon.
Pagpapahalaga
Halimbawa nito ay ang pagpapahalaga ng pagbabawas ng stress at pagkain ng wasto at nasa oras
Pambuhay na Halaga
Ang salitang ___ ay galing sa salitang virtus (vir) o ang pagiging malakas at matatag.
Birtud
Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Katotohanan
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin, atbp.
Opinyon
Ito naman ay may kinalaman sa mabuting kalagayan ng isang tao o ang kanyang well-being
Pambuhay na halaga
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na, atbp.
Katotohanan