Reviewer Flashcards
Ang pwersang nagsasabi na hindi pwedeng magsulat o magbasa ng hindi mo nauunawaan at pinagaaralan ang kasaysayan
Kasaysayan
Ito ay usapin ng espasyo at sinasabi na lahat tayo ay may pinanggalingang lugar at iba iba ang paraan ng ating pagsusulat depende sa ating pinanggagalingan
Heograpiya
Ang panahong ito ay ang ideya ng isang bansa kung hindi ito nasakop ng kolonisador
Panahon ng Katutubo
Sa panahong ito lumaganap ang wikang Ingles
Panahon ng Kolonyalismo
Ang panahong ito ang nagsasabi na mayroong sariling kakayahan makapagtaguyod ng isang nasyonal na ideal ang isang bansa
Panahon ng Independensiya
Ito ang pagsakop ng isang mas makapangyarihang bansa sa isang bansa na mahina at abusuhin ito sa ekonomikal na paraan
Neokolonyalismo
Ito ang kultura ng Pilipino na nagsasabing walang nababakanteng puwesto at unity
Philippine Sun
Ito ang nagsasabi na hindi gumagawa ang Pilipino ng panitikan at gumagawa lamang tayo ng sulat upang makipagtransaksyon
Boxer Code
Sa panahong ito muling nabigyan ng empasis ang Tagalog
Panahon ng Hapon
Tinitignan ang kahirapan bilang isang pambansang suliraning balakid sa pambansang pag-unlad at modernisasyon
Modernismo
Dito nagkakaroon ng “inferior” na lahi. Malaya na, ngunit nanatili pa rin alipin ang kamalayan at pagkilos
Lahi at etnisidad
Ito ay batay sa kakayahang ekonomikal sa bansa at nagbibigay pribilehiyo sa may kaya
Uri
Ito ay usaping reproduksiyon; samakatuwid, biolohikal
Seksualidad
Ito ay usaping kultural at panlipunan
Kasarian
Ito ang tawag sa sosyalisasyong panlipunan na nagtataguyod ng pribilisasyon ng pagkalalaki at heteroseksualidad (Patriarkal na sistema)
Heteronormativity
Ito ang nagtataguyog ng kapantayan ng babae at lalaki sa lipunan
Feminismo
Ito ay nagtataguyod ng non-heteroseksual na agenda ng kasarian
Gay at Lesbian Discourse
Ano ang dalawang diskurso?
Masculine Discourse, Queer Discourse
Ito ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksiyon o representasiyon ng buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan
Panitikan
Ito ang katungkulang namamana upang pamunuan ang isang hukbo ng mga mandirigmang nagtatanggol sa kapakanan ng kanilang pinuno
Datu
Ito ang katuwang ng datu sa pakikipagdigma at sila ang unang tumitikim ng alak upang malaman kung mayroon itong lason bago inumin ng datu
Timawa
Sa katalugan, ito ang nagsisilbi sa pamamagitan ng pagsasaka at pangingisda
Timawa
Ito ay namamahala sa mga serbisyong militar pandagat at mayroon silang tungkuling magbayad ng tributo
Maharlika
Binibigyang-kahulugan ang salitang timawa sa ilang diksiyonaryo bilang salitang?
Pagiging Malaya
Ito ang pinakamababang uring panlipunan at ang mga tao rito ay hindi maaari makapag-asawa ng mga datu at may tungkuling pagsilbihan ang datu at timawa
Oripon
Ang mga aliping naglilingkod sa loob ng bahay o tahanan at maaaring may sariling bahay at pumupunta lamang sa bahay pana-panahon upang tumulong sa pagsasaka at pagsama sa paglalayag
Aliping Saguiguiles (Sagigilid)
Ang mga aliping tumutulong sa paggawa ng tirahan ng kaniyang datu at naglilingkod bilang katulong tuwing mayroon itong kailangan. Sila ay karaniwang tao, may asawa o pamilya, sariling lupa, tirahan, ari-arian, at mga ginto
Aliping Namamahayes (Namamahay)
Ito ang katuwang ng datu sa pagpapabuti ng ekonomiya at nagtatakda kung kailan dapat simulan ang paghahawan sa kagubatan at pagsunog upang mapagtaniman ito at inaalam ang tamang panahon sa pagtatanim sa pamamagitan ng pagbasa sa mga bituin sa kalangitan
Ayog (Catalona sa Tagalog), Babaylan
Saan nagsimula ang salitang panitikan?
“Pang-titik-an”
Titik = Literatura
Mga taludtog na may sukat at tugma, bilang ng mga pantig
Patula
Ito ay malayang pagsasama-sama ng mga salita sa pangungusap
Tuluyan o Prosa
Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa man dumating ang mga kastila. Dito makikita ang kasaysayan ng ating lahi, kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan, bugtong, at iba pa
Pre-kolonyal
Ang baybayin ay binubuo ng ilang titik?
17