Reviewer Flashcards
Ayon sa World Health Organization, ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda sa pagkalalaki at pagkababae
Sex
Ito ay tumutukoy sa panlipunang gawain, kilos at gampanin na itinakda ng Lipunan para sa babae at lalaki.
Gender
Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay pantay sa kababaihan
Cedaw
Mabuting epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW
Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at dipagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito.
Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon laban sa dis-empleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
Principle 2
Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Principle 1
May panahon sa bansang ito na kung saan hindi pinapayagang magmaneho ang mga babae na walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid), ngunit natamasa nila ang karapatang ito noong 2018.
Saudi Arabia
karapatan ang matagal ng pinagkaloob sa kababaihan ng mga bansa sa Africa at Timog Asya noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo
Pagboto
Batas ang ipinasa sa kongreso noong Pebrero 2004, ang batas na ito at pinirmahan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Marso 8, 2004 at nagging epektibo noong Marso 23, 2004.
Republic Act 9262
Ang Anti-Homosexuality Act of 2014 ay nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Uganda
Siya ang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations at nagpanukala ng UDHR
Pangulong Eleanor Roosevelt
“LGBT are Human Rights”
Ban Ki Moon
Universal Declaration of Human Rights
UDHR
CEDAW
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
Sa bansang ito nagtipon-tipon ang mga eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkapantay-pantay ng mga LGBT.
Indonesia