Reviewer Flashcards
Ano ang mga makrong kasanayan?
Pakikinig
Pagsasalita
Pagsusulat
Pagbabasa
Panonood
Pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin
Pagsulat
Ginagamit ang kamay sa pagsulat sa papel, pagpindot ng mga keys ng tayprayter o keyboard ng computer
Pisikal
Isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng balarila na naaayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit
Mental
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao
William Strunk, E.B White
Siya ang nagsabi na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip
Kellogg
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento
Xhing at Jing
Siya ang nagsabi na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalang wika man
Badayos
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaliagyahan ng nagsasagawa nito
Keller
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa
Peck at Buckingham
Siya ang nagsabi ng “Writing is rewriting” at “A good writer is wasteful”
Donald Murray
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay isang eksplorasyon - pagtuklas sa kahulugan, porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kaniyang matuklasan kung ano ang kaniyang isusulat
Donald Murray
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong lingguwistikong pahayag
Rogers
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag
Daniels & Bright
Siya ang nagsabi na ang pagsulat ay ang pundasyon ng sibilisasyon
Goody
Siya ang nagsabi na komunikasyon ang isa sa pangunahing layunin sa pagsulat
Fischer
Ano ang mga layunin ng pagsulat?
Magbigay Impormasyon
Manghikayat
Maging Malikhain
Sariling Pagpapahalaga
Iasng intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan
Akademiko
Tekstong ekspository na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin
Teknikal
Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin
Journalistik
Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomendo ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa
Referensyal
Impormal, walang tiyak ng balangkas at pansarili. Ito ay pinakagamiting uri sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-iisip o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili
Personal
Uri ng pagsulat na nakatuon sa isang tiyak na propesyon
Propesyonal
Masining ang uri na pagsulat na ito dahil ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat
Malikhain
Ano ang mga ginagawa bago sumulat
Malayang pagsulat
Pagtatanong
Paglilista
Pagkakluster
Pagbabalangkas
Maipakita ang ugnayan ng mga ideya
Kohirens
Malinaw na magkakaugnay ang mga ideya at umiikot sa isang sentral na ideya
Kaisahan
Nagbibigay-diin ang mahahalagang salita
Empasis
Sinusuportahan ng mga detalye, paliwanag, at ebidensya ang paksa
Kasapatan
Pag-oobserba sa struktura ng grammar na ginamit ang tamang bantas, spelling at format
Kasanayan sa pangungusap
Ano ang iba pang tawag sa intelektwal na pagsulat
Akademikong Pagsulat
Naglalayong sanayin ang mga mag-aaral o ang sinuman na nais magsulat nang may kalidad dahil dumaan sa tamang proseso at matiyagang pananaliksik
Akademikong Pagsulat