Retorika Flashcards
Ito ay pag-aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Ito ay nakatuon sa malayang pag-aaral at pagtuklas.
Retorika
Ito ang pambansang lingua franca.
Wikang Filipino
Siya ang nagsabing ang retorika ay siyensa o agham ng paghimok o pagsang-ayon.
Socrates
Siya ang nagsabing ang retorika ay ang kakayahang maanino, mawari, o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit sa paraan ng paghimok.
Aristotle
Eto ay ang mga guro o maestro na manunulampati o orador.
Rhetor
Dalawang uri ng pagpapahayag
- Pasalita
- Pasulat
Ito ay paggamit ng mga salita sa kanilang di karaniwan at literal na kahulugan upang maging kaakit-akit at malinaw na istilo.
Tayutay
Ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang
bagay, tao, pangyayari atbp.
Pagtutulad (Simile)
Ito ay isang payak at lantarang
paghahambing ng dalawang bagay na hindi
magkatulad.
Simile
Ito ay isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat
ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa
bagay na inihahambing.
Pagwawangis (Matapora)
Ito ay proseso ng pagkakalikha o
pagbabago ng mga salita sang-ayon sa padron ng wika.
Pagwawangis
Ito ay pagsasalin ng talino o
gawain at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.
Pagbibigay-katauhan (Personipikasyon)
Ito ay nagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay. Nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay, may buhay man o wala.
Pagbibigay-katauhan (Personipikasyon)
Tinatawag din itong eksaherasyon. Ito’y nagbibigay ng lagpas-lagpasang kalabisan o kakulangang angkin ng mga bagay, tao, pangyayari, kalagayan o katayuan.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbabanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maari namang ang isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)