Replektibong Sanaysay Flashcards
Nagkukuwento ng mga karanasan sa mga bagay na natutuhan o nagpagbulayan.
Replektibong Sanaysay
Taglay nito ang mga personal na realisasyon sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng aral na
mapakikinabangan ng sarili sa hinaharap at posible ring maging gabay sa iba
Replektibong Sanaysay
Nais ng sanaysay na suriin ang sarili upang matiyak na lumalago ang kaalaman,karanasan, at saloobin na makadaragdag sa kalipunan ng isang manunulat.
Replektibong Sanaysay
Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng ___________________________.
introduksiyon, katawan, at wakas o kongklusyon
Sa pagsulat ng _____________, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing ___________________ na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.
simula, tesis o
pangunahing kaisipan
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng ______________:
siguraduhing ito ay makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at
iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.
Introduksiyon
Sa pagsulat ng _____________, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa
iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.
Katawan
Sa pagsulat naman ng _______________, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag- iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa
isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.
Konklusyon