REHISTRO NG WIKA Flashcards
1
Q
- Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)
A
STATIC REGISTER
2
Q
- Ang wika ng ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na daluyan lamang (one-way). Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
A
Formal Register
3
Q
- Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng
wikang nasa ganitong sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng komunikasyon. (sa pag-uusap sa pagitan ng doctor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.)
A
Consultative Register
4
Q
- Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda/pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan.
A
CASUAL REGISTER
5
Q
- Pang pribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.)
A
INTIMATE REGISTER