Realismo at Romantisismo Flashcards
Isang teorya na nagpapakita ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Makikita sa mga sanayasay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di-tuwiran, maaaring hindi kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito’y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan.
Romantisismo
Tinatawag din ang Realismo na?
pagtakas mula sa realidad at katotohanan
Saan naganap ang Romantisismo (isang panahon ng kultura at sining)?
Europe
Kailan naganap ang Romantisismo?
huling bahagi ng 18th siglo hanggang unang bahagi ng 19th siglo
Tagapagtaguyod ng Romantisismo na mas kilala bilang Geneva. Siya ay kilala bilang “Ama ng Romantisismo”.
Jean-Jacques Rousseau
Si Jean-Jacques Rousseau ay mas kilala bilang?
Geneva
Ang tagapagtaguyod na isa rin sa pinakatanyag na pigura ng panitikan sa Alemanya. Kilala siya bilang pinakadakilang henyo sa bansang German.
Johann Wolfgang Van Goethe
Itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng Romantisismo.
Romantiko
Ama ng Baralilang Pilipino
Lope K. Santos
Nagpapahalaga sa damdamin kaysa isipan.
Romantisismo
Mga kilalang Pilipinong manunulat sa Teoryang Romantisismo.
- Lope K. Santos
- Jose Corazon de Jesus
Ang dalawang uri ng Romantisismo.
Tradisyunal at Rebolusyunaryo
Ilan pang halimbawa ng akda na nagpapaksa ng Teoryang Romantisismo.
Ulap, Pagtatapat, at Pakikidigma
Ang tula ni Lope K. Santos na isa sa mga tula na nagpapaksa ng teoryang Romantisismo dahil sa kaniyang pagsasalarawan ng naghahangad na pag-ibig na may pag-asa at pag-asa upang magtagumpay. Ang tula ay nagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng pag-iral, pag-iisip, at pagpapahalaga sa sarili, pagpapahalaga sa pag-ibig, at pag-ibig sa kapwa.
Pagtatapat
Isang kilusang pampanitikan na kumakatawan sa realidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga makamundong, pang-araw-araw na karanasan sa totoong buhay.
Realismo
Ito ay ang ipinaglalaban ng Teoryang Realismo kaysa kagandahan. Nakabase ang Realismo sa _ na pangyayari.
katotohanan
Kailangan nagsimula ang panahon ng Realismo?
Ika-19 siglo sapagkat ito ang panahon ng Rebolusyong Industriyal, ng liberalismo, estetika at pilosopiya.
Isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Ginawa itong ganap na pelikula ng Star Cinema noong 2003, na kinabidahan nina Cristopher de Leon at Vilma Santos.
Dekada ‘70
Mga tagapagtaguyod ng Realismo.
- Jose Rizal
- Graciano Lopez Jaena
- Jose Corazon de Jesus
- F. Sionel Jose
- Lualhati Bautista
Ito ang pinakamaimpluwensiyang akda sa kasaysayan ng Pilipinas na nagtataglay ng makatotohanang pangyayari na gumising sa mga Pilipino ang kawalang katarungang pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang mananakop.
Noli Me Tangere
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang mga unang bahagi ng “Noli Me Tangere” noong 1884 sa _ noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Madrid
Nang makatapos ng pag-aaral si Dr. Jose Rizal, nagtungo siya sa _ at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat ng Noli Me Tangere.
Paris
Saan natapos ni Rizal ang huling bahagi ng Noli Me Tangere?
Berlin
Ito ay isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil nito ang ideya ng paghuhulma at pananaw sa buhay.
Realismo
Kailan unang ginamit ang terminong Realismo?
1826
Sino/Ano ang unang gumamit ng terminong Realismo noong 1826 bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay. Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa pagtakwil sa pagiging artipisyal ng Klasismo at Romantisismo. Sinikap nilang ipakita ang buhay ng mga panggitna at mababang uri ng tao—ng mga pangkaraniwan, ng mga di-kagila-gilalas, ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso, inilabas ng Realismo ang mga di-pinapansin at kinakalimutang bahagi ng buhay at lipunan.
Mercure francais du XIX siecle sa Pransya
Naging masigla ang talakayan tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900. Nakatulong dito ang kilusang anti-Romantisismo sa _ kung saan mas nagtuon ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao.
Alemanya
Idagdag pa rito ang pagtataguyod ni _, kilalang “Ama ng Sosyolohiya”, ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral.
Auguste Comte
Ang pag-unlad ng propesyunal na _ kung saan inuulat nang walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng industriya ng potograpiya.
journalism
Iba’t ibang pangkat ng pagsusuring Realismo sa panitikan:
- Pinong (gentle) Realismo
- Sentimental na Realismo
- Sikolohikal na Realismo
- Kritikal na Realismo
- Sosyalistang Realismo
- Mahiwagang (magic) Realismo
May pagtitimping inilalahad ng _ ang kadalisayan ng bagay-bagay at iwinawaksi nito ang anumang pagmamalabis at kahindik-hindik.
Pinong (gentle) Realismo
Ang pangkat ng Realismo na may optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.
Sentimental na Realismo
Inilalarawan nito ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos.
Sikolohikal na Realismo
Inilalarawan nito ang mga gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at panlulupig nito.
Kritikal na Realismo
Ginagabayan ito ng Teoryang Marximo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng lipunang pinamumunuan ng mga uring anak-pawis.
Sosyalistang Realismo
Pinagsasanib naman nito ang pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Pinagsasama ng impluwensya ng mito at karunungan-bayan sa takbo ng kwento upang masalamin ang mga katotohanang nagaganap sa lipunan.
Mahiwagang (magic) Realismo
Sumibol ang teoryang ito noong bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900. Ibinabandila nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo, ang inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil. Dahil dito, itinuturing ito bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang Klasismo tulad ng kaayusan, kapayapaan, pag-uugnay, ideya at rasyunal.
Romantisismo
Ilang katangian ng Romantisismo:
- malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan
- ng pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan
- ng pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan
- ng pagkahirati sa internal na tunggalian
- at ng mahiwaga at kababalaghan
Ang terminong ito ay unang lumitaw noong ika-18 siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa.
romantiko (“maromantiko”)
Ang inspirasyon para sa romantikong pamamaraan ay nagmula sa Pranses na pilosopong si _ at sa manunulat na Aleman na si _.
Pranses na pilosopong si “Jean Rousseau” at sa manunulat na Aleman na si “Johan Wolfgang Van Goethe”
Tumagal mula _ hanggang 1870 ang Romantisismong kilusan sa literatura sa halos lahat ng bansa: Europa, Estados Unidos at Latin Amerika.
1750 hanggang 1870
Ang literaturang ito ay nagbibigay-diin sa pleksibilidad ng nilalaman, nanghihikayat sa pagbubuo ng kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga kwento at pinapayagan ang pagsasanib ng iba’t ibang uri at paksa (halimbawa: trahedya at komedya, kapangitan at inspirasyunal) at malayang estilo.
Romantisismo
Ang uri ng Romantisismo na ito ay humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at tradisyunal na nagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at pagka-Kristyano.
Tradisyunal na Romantisismo
Ang uri ng Romantisismo na ito ay bumabaling sa pagtatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.
Rebolusyunaryong Romantisismo
Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
Isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Nobela
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong _ na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Panahon ng Kastila
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa _, _, _, at _. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago
Layunin ng Mga Nobela:
- Gumising sa diwa at damdamin.
- Nananawagan sa guni-guni at talino.
- Mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
- Magbigay ng aral tungkol sa pagunlad ng buhay at lipunan.
- Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago sa sarili at lipunan.
Mga Uri ng Nobela:
- Nobelang Romansa
- Kasaysayan
- Nobelang Banghay
- Nobelang Masining
- Nobelang Tauhan
Uri ng nobela na ukol sa pag-iibigan.
Nobelang Romansa
Uri ng nobela na binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.
Kasaysayan o Nobelang Kasaysayan
Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwiling mgamambabasa.
Nobelang Banghay
Uri ng nobela na naglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari angikinawiwili ng mga mambabasa.
Nobelang Masining
Layunin ng Nobelang Masining:
mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
Uri ng nobela na binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan.
Nobelang Tauhan
Ito ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang anumang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Commission Permanente de Censura
2 Uri ng Nobela sa Panahon ng Kastila:
- Nobelang Pangrelihiyon
- Nobelang Mapaghimagsik
Uri ng nobela sa panahon ng Kastila na nagbibigay-diin sa kabutihang-asal.
Hal:
- Doctrina Christiana ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva
- Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro
- Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja
Nobelang Pangrelihiyon
Uri ng nobela sa panahon ng Kastila na nagbibigay-diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo.
Hal:
- Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal
- Ang Bandido ng Pilipinas ni Graciano-Lopez Jaena
Nobelang Mapaghimagsik
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano:
- Panahon ng Aklatan Bayan (1900-1921)
- Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934)
- Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934-1942)
Noong panahong ito, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik buhay lalawigan at karanasan.
Panahon ng Aklatan
Inilalathala sa mga _ ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata.
pahayagan
Ang “Ama ng Balarilang Tagalog” na nagsimula sa ganitong paglalathala.
Lope K. Santos
Halimbawa ng mga pahayagan:
- Ang Kapatid ng Bayan
- Muling Pagsilang
- Ang Kaliwanagan
Mga nobelang nailathala ng mga pahayagan:
- Salawahang pag-ibig ni Lope K. Santos
- Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nailathala sa Ang Kaliwanagan
- Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan
- Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang
- Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
Dumating ang _, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat ng tula at maikling kuwento.
Panahon ng Ilaw Panitik
Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang uri ng nobela dahil sa pagkahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento at pagbabago ng panahon.
Panahon ng Malasariling Pamahalaan
Noong _, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway).
Panahon ng Hapon
Noong _, walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
Noong panahon ng _ hanggang sa kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pang-araw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa Romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang komersyal.
Panahon ng batas-militar
Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksiyon kung kaya, lumutang ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang larawan ng buhay sa mga nobela.
Dekada 50
Tinatayang sa panahong ito nagsimula na ang kabi-kabilang protesta laban sa bulok na sistema ng pamahalaan. Sa unang tatlong taon ng _ ay nanatili ang mga nobelang maromansa, samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan.
Dekada 60
Nagpatuloy sa dekadang ito ang paglalathala ng mga nobela. Isa sa mga namayagpag na magasin ay ang Liwayway. Sa magasing ito, nalatahala ang karamihan sa mga nobelang nabanggit sa Dekada 60. Ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula ay lumaganap sa panahong ito. Kabi- kabila ang mga rali at protesta ng mga estudyante, manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa ipatupad ni pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar. Natahimik ang mga lansangan. Nabusalana ang bibig ng mga mamamayan at halos mapuno ang mga kulungan sa mga bilanggong pulitikal. Naging maigting ang pamumuna ng mga nobelista sa lipunan.
Dekada 70
Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula. Muling naibalik ang Romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga manunulat na may layunin ay nawala.
Dekada 80
Kabilang sa mga nobela sa panahong ito “Ang kaulayaw ng Agila” ni Lilia Santiago, “Bulaklak ng Maynila” ni Domingo Landicho, “Malaybay” ni Edmund Coronel, at “Moog” ni Buenaventura Medina.
Dekada 90
Isang nobela mula sa kasalukuyang panahon.
“Gerilya” ni Norman Wilwayco