Quiz 2 : Anyo Ng Panitikan Flashcards
Panitikang nakasulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
Tuluyan
Panitikang nasusulat nang may sukat, taludtod, at saknong
Patula
Mga uri ng akdang tuluyan
Pabula
Parabula
Alamat
Maikling kwento
Anekdota
Sanaysay
Dula
Talumpati
Nobela
Talambuhay
Mga uri ng tulang pasalaysay
Ballad
Awit at kurido
Epiko
Naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay
Tulang pasalaysay
Nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol ito sa kababalaghan
Epiko
Ang mga paksa ay tungkol sa pagiging maginoo at pakikipagsapalaran
Awit at kurido
May himig na awit dahil inaawit ito habang may nagsasayaw
Ballad
Nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap o damdamin. Maikli ito at payak
Tulang liriko
Paksa ay pag ibig, kawalang pag asa, kaligayahan
Awiting bayan
May 14 na taludtod tungkol sa damdamin at kaisipan at naghahatid ng aral
Soneto
Nagpapahayag ng damdamin tungkol sa kamatayan o pananangis
Elehiya
Awit na pumupuri sa diyos o mahal na birhen, may pilosopiya sa buhay
Dalit
Naglalarawan ng buhay sa bukid
Pastoral
Papuri o panaghoy; walang tiyak na bilang ng pantig, taludtog sa isang saknong
Oda
Tulad ng karaniwang dula pero ang diyalogo ay binibigkas sa paraang patula
Tulang pandulaan
Tunggalian nagwawakas sa kamatayan o pagkawasak ng pangunahing tauhan
Trahedya
Layuning pukawin ang kawilihan ng manunuod
Komedya
Malungkot ngunit nagiging masaya sa dulo
Melodrama
Layuning mapasaya sa pamamagitan ng mga kawiling wiling na nakakatawang pangyayari
Parsa
Pinapaksa ay karaniwang pag uugali ng tao o pook
Saynete
Pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatuwiran at matalas na pag iisip
Patnigan
Pumalit sa duplo, tagisan ng talino bilang pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan
Balagsatasan
Paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran na hango sa bibliya, sawikain, at kasabihan. Nilalaro upang aliwin ang namatayan
Duplo