QUIZ 2 Flashcards
ay malaking uri ng literatura na kung saan madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
MITOLOHIYA
ay isang pakikipagtalong may estruktura.
DEBATE
mga awit ng mga Pilipinong ninuno.
AWITING BAYAN
ang mga haka-hakang kuwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng isang bayan.
ALAMAT
ito ay nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo, ito din ay naglalayon na maitnaghal sa harap ng maraming tao o sa entablado.
DULA
uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa sa paraang patula.
BALAGTASAN
isang maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami.
KASABIHAN
ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao
LIHAM
ito ay naglalaman ng ulat tungkol sa isang pangyayari.
BALITA
ito ay nakasulat na pagpapahayag ng damdamin. Isang malawak na termino, kung minsan ay mahirap tukuyin ayon sa pananaw na ginamit para sa paghihiwalay nito.
LIRIKO
tumutukoy sa tradisyon ng isang kultura o pangkat.
KUWENTONG BAYAN
isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-wiling pangyayari.
ANEKDOTA
ito ay listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin at iba pa na inaayos nangpaalpabeto.
BIBLIYOGRAPIYA -
naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat na binubuo ng saknong at taludtod.
TULA
ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas.
SALAWIKAIN
isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman.
SANAYSAY
tumutukoy sa uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan o pakikipag-laban ng isang tao o grupo laban sa mga kanilang kaaway.
EPIKO
isang uri ng pagsulat ng isang akda na mas maikli sa isang maikling kuwento.
DAGLI
ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayari na mayroong isa o ilang tauhan na may iisang impresyon lamang.
MAIKLING KUWENTO
ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata.
NOBELA
ay anyo ng sining o bahagi ng industriyang libangan. Ito’y nililikha sa pamamagitan ng pagrekord ng totoong tao.
PELIKULA
ay pangungusap na may pinapahulaang kahulugan.
BUGTONG
buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado sa harap ng madla.
TALUMPATI
ay isang akda na naglalaman ng opinyon ng may akda tungkol sa isang isyu.
EDITORYAL
nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon.
TALAMBUHAY
tumukoy sa mga moto o idyoma.
SAWIKAIN
ay uri ng kathang-isip na panitikan kadalasan mga hayop o bagay ang pangunahing tauhan dito.
PABULA
ay mga kwentong hango sa bibliya ito rin ay naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.
PARABULA