Quiz 1 Flashcards
Isang kuwento o salaysay na naglalaman ng mga haka-haka tungkol sa pinagmulan ng isang bayan, lugar, o bagay. Kadalasan, ito ay naglalarawan ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari o nilalang.
Alamat
Isang maikling salaysay o kuwento na naglalahad ng mga kawili-wiling pangyayari, karanasan, o kasaysayan na kadalasang may layuning magbigay-aliw o magturo ng aral.
Anekdota
Mga tradisyonal na awit ng mga Pilipinong ninuno na may kinalaman sa kanilang kultura, buhay, at pananampalataya.
Awiting Bayan
Isang uri ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa, na isinasagawa sa paraang patula o sa pamamagitan ng tula.
Balagtasan
Isang ulat o impormasyon hinggil sa isang pangyayari na mahalaga o kasalukuyan, na ipinapaabot sa madia sa pamamagitan ng mga pahayagan, radyo, telebisyon, o iba pang paraan ng komunikasyon.
Balita
Isang listahan ng mga sangguniang aklat, pahayagan. magasin, at iba pang uri ng babasahin na ginagamit sa isang pag-aaral o pananaliksik, na iniayos nang paalpabeto.
Bibliyograpiya
Isang uri ng palaisipan na binubuo ng isang pahayag na may layuning magpahula ng isang bagay o konsepto gamit ang mga pahiwatig o paglalarawan.
Bugtong
Isang uri ng maikling akda na tumatalakay sa isang mahalagang pangyayari o ideya, at mas maiikli kaysa sa isang maikling kuwento.
Dagli
Isang pormal na pakikipagtalo kung saan dalawang panig ang nagtatanghal ng kani-kanilang mga opinyon o argumento hinggil sa isang isyu, kadalasan ayon sa isang estruktura o patakaran.
Debate
Isang akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto at tagpo. at may layuning itanghal sa entablado para sa isang live na audience.
Dula
Isang uri ng sulatin na naglalaman ng opinyon o pananaw ng may-akda hinggil sa isang partikular na isyu o kaganapan sa lipunan.
Editoryal
Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalahad ng mga kabayanihan o makapangyarihang pakikipagsapalaran ng isang tao o pangkat laban sa mga kalaban o mga panganib.
Epiko
Isang maikling pahayag o salawikain na nagpapahayag ng karunungan o ideya na pinaniniwalaan ng nakararami sa isang komunidad o lipunan,
Kasabihan
Isang uri ng kuwentong nagpapakita ng mga tradisyon, paniniwala, at kultura ng isang partikular na pangkat o bayan.
Kuwentong Bayan
Isang sulat o mensahe na ipinapadala mula sa isang tao patungo sa iba, na naglalaman ng impormasyon, saloobin, o pahayag ng isang paksa.
Liham
Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng malalim na pagpapahayag ng damdamin, emosyon, at karanasan ng may-akda, na kadalasang isinusuong sa pamamagitan ng tula.
Liriko
Isang akdang pampanitikan na may maikling salaysay ng isang mahalagang pangyayari sa buhay ng mga tauhan, at kadalasang tumatalakay sa isang tema o mensahe.
Maikling Kuwento
Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng mga kwento. hinggil sa mga diyos, diyosa, at iba pang makapangyarihang nilalang, at naglalarawan ng mga pinagmulan ng iba’t ibang bagay sa kalikasan at buhay.
Mitolohiya
Isang akdang pampanitikan na may masalimuat na kwento, na nahahati sa mga kabanata at kadalasang tumatalakay sa mga mahahabang karanasan ng mga tauhan.
Nobela
Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop, bagay, o kalikasan ang mga pangunahing tauhan, at layunin nitong magturo ng aral o moralidad.
Pabula
Isang uri ng kwento na hango sa mga aral ng Bibliya, na karaniwang may talinghaga at layuning magturo ng moralidad o wastong asal.
Parabula
Isang anyo ng sining at libangan na nilikha sa pamamagitan ng pagrekord ng mga totoong tao, tagpo, kwento sa isang visual na anyo, at ipinalalabas sa mga sinehan o iba pang plataporma.
Pelikula
Mga kasabihang Pilipino na naglalaman ng mga tradisyonal na kaisipan, karunungan, at pilosopiya ng mga tao batay sa kanilang karanasan at pananaw sa buhay.
Salawikain
Isang anyo ng sulatin na naglalayong magpahayag ng opinyon, paliwanag, o pananaw hinggil sa isang partikular na paksa o isyu.
Sanaysay