quiz 1 Flashcards
- Pagsasalin sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo, at ilustrasyon ng isang tao sa layuning
maipahayag ang kanyang kaisipan. - Isang mental na aktibidad dahil kailangan gamiting ang
utak sa pagsusulat. - Komprehensibo
- Mataas na uri ng komunikasyon
- Pisikal na aktibiti
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo
ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006)
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang
bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin
maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang
wika man.
Badayos (2000)
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan
at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006)
Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang
natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa.
Peck at Buckingham (sa Bernales, et a., 2006)
salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
Sosyo
anumang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay
rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.
Kognitibo
pananaw sa pagsulat, isang paraan ng pagtingin sa
proseso ng pagsulat.
Nakapaloob sa mental na aktibi ang pag-iisip at
pagsasaayos ng isang tekstong pasulat.
Nakapaloob naman sa sosyal na aktibiti ang
pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa
kanilang magiging reaksiyon o tugon sa teksto.
Sosyo-kognitib
Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Komunikasyong intrapersonal at interpersonal
Ito ay isang gawaing personal at sosyal.
Bilang personal na gawain, ang pagsulat ay
tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan,
damdamin, at karanasan.
Bilang sosyal na gawain, nakatututlong ito sa ating
pagganap sa ating mga tungkuling panlipunan at sa
pakikisalamuha sa isa’t isa.
Biswal na Pakikipag-ugnayan
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng
isang tekstong isinulat, masasabing nakikinig na
rin siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipag- usap sa mga
mambabasa.
Oral Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa
mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor
sa kanyang teksto na inilalatad ng mga
nakalimbag na simbolo.
Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang-alang
ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang
ang mga simbolong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat, ay maging epektibo at
makamit ang layunin ng manunulat.
Biswal na Dimensyon
Kilala sa tawag na expository writing.
o Naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at
mga paliwanag.
o Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay
sa teksto
Impormatibong Pagsulat
Kilala sa tawag na persuasive writing.
Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran, opinyon, o paniniwala.
Ang pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensiyahan ng awtor.
Mapanghikayat na Pagsulat
Kilala sa tawag na creative writing.
Ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula,
dula, atbp.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon,
ideya, damdamin, o kumbinasyon ng mga ito.
Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
Ayon kay Arogante (2000), “ang malikhaing pagsulat
ay isang pagtuklas sa kakayahan pasulat ng sarili
tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal.”
Malikhaing Pagsulat
Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa
pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang
isusulat at ang pangangalap ng mga datos o
impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng
tono at perspektibong gagamitin ay nagaganap din sa
hakbang na ito.
Pre-writing
Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito
isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito
ang pagsulat ng burador o draft.
Actual writing
Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap
ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong
gramar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga
ideya o lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging
kumpleto at epektibo kung hindi ito dadaan sa editing
at rebisyon.
Rewriting