QUARTER 3 Flashcards
REVEIWER
“Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Sa ipinakitang tunggalian sa pagitan ng babae at karpintero, anong kasabihan ang mas angkop na ilapat dito?
Matalino man ang matsing, napaglalamangan din
“Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” Anong ipinahihiwatig na katangian ng nagsasalita?
mapagsamantala
“Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso.” Tukuyin sa pangungusap ang ginamit na salitang nagpapakita ng masidhing damdamin.
naliligayahan
Ano ang isa sa mahahalagang elemento sa pagbigkas ng tula na tumutukoy sa kalidad at kabuuan ng boses, swabe at maganda ang dating sa nakikinig?
tinig
“Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay Nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya, Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.” – Lucas 15:20. Ano ang katangian ng ama ang ipinakikita sa bahaging ito ng parabula na Ang Alibughang Anak?
mapagpatawad
Uri ng pang-abay na anglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa?
pamanahon
Aling katangian ang hindi dapat taglayin ng isang bayani?
mayabang
Anong damdamin ang namamayani nang makita ni Surpanaka na niyakap ni Rama si Sita?
lungkot
Anong katangian ang dapat taglayin ng isang bayani?
matalino at matapang
Isang mahabang tulang pasalaysay na nagpapakita ng kabayanihan, pakikipagsapalaran at pagtutunggali ng isang indibidwal.
epiko
“Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay
nangyayari sa totoong buhay?
May mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa.
Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay mahuhuli?”
lahat ay may pantay- pantay na karapatan
Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito?
kaugalian o tradisyon
Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang may salungguhit?
mabuti
Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang maihahalintulad sa pahayag na ito?
mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo
Ano ang damdaming lumutang sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?
kalungkutan
Anong kaisipan ang nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?
pag-alala sa namayapa
Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?
pormal at ‘di pormal