Quarter 1 Flashcards
Ayon kay ______, “Ang buhay ng tao ay panlipunan”.
Dr. Manuel Dy Jr
mula sa salitang “lipon” na ang ibig sabihin ay pangkat.
Lipunan
mula sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugang pagkakapareho-pareho.
Komunidad
Ayon kay ________, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha.
Santo Tomas Aquinas
kabutihan para sa bawat indibidwal na nasa lipunan. Ayon nga kay John Rawls, isang pilosopo, ang kabutihang panlahat ay isang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.
Kabutihang Panlahat
Mga elemento kabutihang panlahat:
Paggalang sa indibidwal na tao (Human Rights)
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat (Social Rights)
Ang Kapayapaan (Peace)
ayon sakaniya ay hahanapin talaga ng tao ang mamuhay sa lipunan dahil sa dalawang kadahilanan.
Jacques Maritain:
Una
dahil ang tao ay hindi nilikhang perpekto o ganap; ipinahihiwatig nito na likas sa kaniya ang magbahagi sa kapuwa ng pagmamahal at kaalaman.
Pangalawa
ginugusto ng tao ang mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan.
binubuo ng mga sektor /institusyon na may kanya kanyang gampanin sa pagtupad at pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan subalit ito rin ang maituturing na pinakamahalaga.
lipunan
mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na kanilang pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon.
Kultura
paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay magkakaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin kasabay ang kabutihang panlahat.
Pampolitika
may tungkulin na manguna sa pagsasatitik sa batas, ang mga pagpapahalaga, at adhikain ng mga mamamayan. Narito ang mga dahlan ng kung bakit may lipunang politikal.
Pamahalaan
Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila.
Prinsipyo ng Subsidiarity
Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging hadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-ambag sa estado ng mga mamamayan ng kanilang buwis, lakas, at talino.
Prinsipyo ng Subsidiarity