Q4 M1-M2 REVIEW Flashcards
asdwasd
Tumutukoy sa isang tao na naninirahan sa isang tiyak na estado
Mamamayan (citizen)
Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
Pagkamamamayan (citizenship)
Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Jus soli o jus loci
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus sanguinis
Batayan ng lahat ng batas sa Pilipinas
1987 Saligang Batas ng Pilipinas
Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito
yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
Saang artikulo ito matatagpuan?
Saang seksyon ito ng artikulo matatagpuan?
ARTIKULO IV: Pagkamamayan
SEKSYON 1
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan
ARTIKULO IV: Pagkamamayan
SEKSYON 2
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
ARTIKULO IV: Pagkamamayan
SEKSYON 3
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at
dapat lapatan ng kaukulang batas
ARTIKULO IV: Pagkamamayan
SEKSYON 5
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
ARTIKULO IV: Pagkamamayan
SEKSYON 4
Ang Pagkamamamyan ng isang tao ay nakabatay sa pagtugon nito sa tungkulin sa Lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga Karapatan para sa mabuting panlahat
Lumalawak na Pananaw
Paano matamo ang naturalisasyon bilang isang Pilipino?
Edad na 21 taong gulang
Tuloy-tuloy na paninirahan sa Pilipinas sa loob ng sampung taon
May mahusay at malinis na record ng pagkatao
Naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas
Nagmamay-ari ng lupain o matatag na trabaho
Nakapagsasalita ng isa sa mga pangunahing wika ng bansa
Nagnanais na matutunan at tanggapin ang kulturang Pilipino
Nagpapaaral ng mga anak sa paaralang tinuturo ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino
Isang abogado na naglahad ng dabindalawang gawain na makatutulong sa ating bansa
Alex Lacson
Katangian ng isang Mabuting Mamamayan
Ginagampanan ang mga tungkulin at pananagutan sa kinabibilangang komunidad
Nakikilahok sa itinatag na mga organisasyon o samahan sa lipunan, ito man ay pampamayanan o pambansa
Matapang na itinataguyod ang katarungang panlipunan
Kahalagahan ng Aktibong Mamamayan
Una, siguradong mabibigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga mamamayan
Pangalawa, dahil tao ang nagpapagalaw sa komunidad, maisusulong at makakamit ang mithiin ng komunidad kung aktibo ang mga mamamayan nito
Ikatlo, matatamo ang makabayan at makataong pagbabago sa pamamagitan ng pagtutuwid sa mga maling Sistema
Ikaapat, mapangangalagaan at maipagtatanggol ang sariling bayan sa panahon ng krisis at pananakop
Huli, matutugunan ang kinakaharap na mga isyung panlipunan, pangekonomiya, pangkapaligiran, at iba pang magbubunga ng progresibo at maunlad na pamayanan