Q2 M1 - KONSEPTO NG DEMAND Flashcards
Ano ang Demand?
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya (able) at handang (willing) bilhin ng mga mamimili
Ano ang pangunahing salik na nakapagpabago ng demand ng mga mamimili?
Presyo
Ito ang kabuuang dami ng demand ng mamimili sa isang partikular na produkto o serbisyo
Market Demand
P↑D↓
Kapag tumataas ang ang presyo ng produkto, kaunti lamang ang may gusto at magde-demand nito
P↓D↑
Kapag bumaba ang presyo ng mga produkto, tataas ang mga may gusto o nagde-demand nito
Ano ang ibig sabihin ng Ceteris Paribus?
All other things remain constant
Ano ang inverse?
Ito ang di-tuwirang ugnayan ng presyo sa dami ng demand ng isang produkto
Ano ang substituition effect?
Ito ay tumutukoy sa paghahanap ng mga mamimili ng produkto o serbisyo na mas mura ang presuo kapag tumaas ang presyo ng produktong bibilhin
Ano ang ibig sabihin ng income effect?
Ito ay nagpapayag na malaki ang halaga ng kita ng mamimili kapag mas mababa ang presyo ng mga produkto
Ano ang tatlong paraan upang maipakita ang ugnayan ng demand at presyo?
Demand Schedule, Demand Curve, at Demand Function
Ano ang demand schedule?
Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo
Ano ang demand curve?
Ito ang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon ng presyo at dami ng demand kapag ang ibang salik ay hindi nagbabago
Ano ang demand function?
Ito ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demanded
Ano ang dalawang variables sa demand function?
Ito ay ang presyo bilang independent variable at quantity demanded bilang dependent variable
Ano ang formula sa pagkuha ng quantity demanded?
Qd = a - bP