Q2: Lesson ? | Matatalinhagang Pananalita Flashcards
ang mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang taglay at sa halip ay may nakakubling mas malalim na kahulugan
matatalinhagang pananalita
mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, pangyayari sa buhay, at sa paligid subalit may mas malalim na kahulugan
idyoma
pahayag kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang-halina ang isinusulat o sinasabi
tayutay
paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang tulad ng
pagtutulad
naghahambing ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad ng
pagwawangis
lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari
pagmamalabis
pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay
pagbibigay-katauhan
pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan
pagpapalit-saklaw
tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman
pagtawag
pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan
pag-uyam