Proseso At Modelo Ng Komunikasyon Flashcards
Tumutukoy ito sa isang tao o pangkat ng tao na pinagmulan ng mensahe.
Nagpapadala o Sender
Idea o salitang nabuo na ipinapadala sa kausap
Mensahe
Kahulugan sa loob ng mensaheng ipinadala
Mensaheng Pangnilalaman
Tinutukoy dito ang relasyon o pagitan ng dalawang nag uusap
Mensang pengrelasyunal
Ito ang namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe at ito ay nakategorya sa dalawa
Daluyan
Ginagamit ang limang pangunahing pandama ng katawan bilang daan sa pakikipag komunikasyon
Sensori
Tumutukoy ito sa makabagong teknolohiyang ginagamit ng tao bilang daan sa pag-unlad ng panahon sa pakikipag komumikasyon
Institusyunal
Siya ang nagdedecode ng mensaheng ipinadala ng kanyang kausap. Ang pagbibigay kahulugan sa mensaheng ipinadala ay nakasalalay sa kanyang pag unawa
Tagatanggap o Decoder
Dito nakatuon kung naging mabisa ang pagpapadala ng mensahe sa kanyang kausap sapagkat ito ang magiging sukatan ng siklo ng komunikasyon
Tugon o Fidbak (feedback)
Ang mensaheng agad agad natatanggap ng kanyanh kausap
Tuwiran
Ang mensahe kung ito ay natatanggap sa di berbal
Di-Tuwiran
Kung ang mensaheng ipinadala ay namgangailangan pa ng oras o panahon
Naantala
Katatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Kadalasan itong nakapokus sa konotasyon at denotasyon
Semantikang Sagabal
Tinutukoy dito ang pisikal na anyo ng kapaligiran
Pisikal na Sagabal
Nakatuon ito sa katawan ng nagpapadala o tumatanggap ng mensahe
Pisiyolohikal na Sagabal