PRELIMS Flashcards
Uri ng Panitikan
Pasalin-dila
Pasulat
Kung ang panitikan ay naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig o pasalita.
Pasalin-dila
Anyo ng Panitikan
Tuluyan o Prosa
Patula
Kung ang panitikan ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan
Tuluyan o Prosa
Kung ang panitikan ay nasusulat sa taludturan at sagknungan
Patula
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
Nobela
Dula
Alamat
Pabula
Parabula
Anekdota
Sanaysay
Talambuhay
Balita
Talumpati
Mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, maraming tauhan, at nahahati sa kabanata.
Nobela
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring may isa o ilang tauhan at isang kakintilan o impresyon
Maikling Kwento
Uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o taghalan
Dula
Salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
Alamat
Salaysaying patungkol sa hayop, halaman, at maging mga bagay na walang buhay
Pabula
Kwentong hinago sa banal na kasulatan
Parabula
Maikling sanaysaying may layuning umaliw o magbigay aral
Anekdota
Pagpapahayag ng kuro-kuro o opinion ng may akda hinggil sa suliranin o paksa
Sanaysay
Kasaysayan ng buhay ng isang tao
Talambuhay
Naglalahad ng pang-araw araw na pangyayari sa lipunan
Balita
Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
Talumpati
Mga akdang patula
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandamdamin o Liriko
Tulang Padula o Dramatiko
Tulang Patnigan
Kwento ng mga pangayayari at nasusulat ng patula, may sukat at tugma
Tulang Pasalaysay
Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring di kapani-paniwala
Epiko
Patulang salaysay na paawit kung basahin
Awit o Korido
Tumatalakay sa marubdob na damdamin ng maaring ng may-akda o ibang tao
Tulang Padamdamin or Liriko
Maikling tulang binibigkas nang may himig
Awiting Bayan
Tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan ng karaniwang naghahatid ng aral
Soneto
Tulang nagpapayahag ng panimdim dahil sa pagyao ng minamahal
Elihiya
Tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa mahal na Birhen
Dalit
Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran
Pastoral
Tula tungkol sa paghanga o papuri sa isang bagay
Oda
Tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan
Tulang Padula o Dramatiko
Ay mga laro paligsahang patula na noo’y isinasagawa sa bakuran ng namatayan
Tulang Patnigan
Naging pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig
Banal sa Kasulatan (Bibliya)
Pinakabibliya ng Muslim
Koral mula sa Arabia
Kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya
Illiad at Oddysey ni Homer
Kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Pinakamahabang epiko sa buong daigdig
Mahabharata
Pananampalataya at paguugali ng mga Ingles noong panahon ng Hapon
Canterbury Tales ni Chaucer
Nagbukas sa mga bata ng Amerikano sa kaapihan ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig
Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
Nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano noong unang panahon.
Divina Comedia ni Dante
Tumutukoy sa paniniwala o persepsyon ng isang indibidwal o ng isang pangkat
Pananaw
Tumutukoy sa simulain o prinsipyong mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikhang malinaw at sistematikong paraang paglalarawan o pagpapaliwanag sa isang bagay
Teorya
Nagbibigay tugon sa kalagayan at karanasang pang-tao
Humanismo
Nagbibigay pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo
Imahismo
Ibinabandila ng teoryang ito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, rebolusyon kaysa konserbatismo, inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil
Romantisismo
Terminong nagpapahayag ng mahahalagang paksain: ang kongkretong buhay at pakikihamok ng indibidwal gayundin ang usapin ng indibidwal na kalayaan sa pagpili
Eksistensyalismo
Nagpapakita ng maraming “layer” ng kahulugan
Dekonstruksyon
Pagsusuring panitikan at nagmula sa punto de vista o pananaw ng isang peminista
Peminismo
Karaniwang pumapaksa sa pinagmulan ng isang bagay, pook kalagayan o katawagan
Alamat
Kwento ng kabayanihan. Punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari
Epiko
Tuloy-tinig ng dating kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila
Awiting Bayan
Isang uri ng panitikang kawili-wili. Isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga ninuno
Bugtong
Maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin, o mga alituntunin ng kaasalan.
Salawikain at Kasabihan