PRE LIM Flashcards
Ito ang tinatawag na unang wikang natutunan ng isang bata o tinatawag ding ‘wikang sinuso sa ina’ o ‘inang wika.
Unang Wika
Ano ang tawag sa isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao?
Wika
Anong uri ng wika ang ginagamit lamang sa loob ng bahay?
Ekolek
Ito’y uri ng wika na pinaghalong dalawang wika na kung saan kalaunan ay naging isang wika at ito’y ginagamit bilang pangunahing wika sa isang partikular na lugar. Ang halimbawa nito ay pinaghalong mga salita ng tagalog at Espanyol ang naging kalabasan ay Chavacano. Anong uri ng wika ang tinutukoy?
Creole
Si Lee Minho ay nahihirapan at naiilang na makipag-usap sa tindero sa Uyanguren dahil sa mga linyang binitawan “suki ikaw bili aking tinda, ako bigay diskawnt”. Anong uri ng wika ang ginamit ng tindero?
Pidgin
Ano ang tawag sa barayti o uri ng wika na may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita at batay sa katayuan sa lipunan o sa pangkat na kanyang kinabibilangan?
Sosyolek
Anong batas ang naghahayag na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay ibabatay sa Tagalog noong 1937?
Kautusang Tagaganap Blg. 134
Anong barayti ng wika ang tumutukoy sa nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao. Ito ay indibidwal na estilo o personal na paggamit ng isang tao sa kaniyang wika?
Idyolek
Ano ang tawag sa isang baryasyon sa wika na may kinalaman sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika, ito’y madalas nakikita/nagagamit sa isang partikular na disiplina o larangan?
Rehistro
Ito’y antas ng wika na may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita, ito’y pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita. Anong konsepto ang tinutukoy?
Kolokyal
Ano ang pangunahin at ang pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao; sining ng pakikipagtalastasan. Ito rin ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa, kaisipan at damdamin?
Wika
Anong kategorya ng wika ang palagiang ginagamit ng mga makata at kwentista sa pagsulat ng kanilang katha o akdang pampanitikan?
Pormal
Gagawa ng mga hakbang ang kongreso
1935, Seksyon 3, Artikulo 14
Nabuo ang SWP
1936, Batas Komonwelt Blg. 184
Ibabatay sa Tagalog ang Wika
1937, Kautusang Blg. 134