Ppt3 And Ppt4 Flashcards
Tumutukoy sa paggamit ng mga salitang nagsisilbing reperensya sa paksa
Reperensiya
Kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy
Anapora
Nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
Katapora
Paggamit ng ibang salita upang hindi na ulitin ang parehong salita sa pangungusap
Substitusyon
Tumutukoy sa pagkakaroon ng hindi buong pahayag o pagbawas ng ilang bahagi ng pangungusap ngunit malinaw pa rin ang ibig sabihin
Ellipsis
Mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang mga bahagi ng pangungusap
Pang-ugnay
Tumutukoy sa mga mabibisang salitang nagbibigay ng kohesyon sa teksto
Kohesyong Leksikal
Ano ang tatlong uri ng reiterasyon?
•Pag-uulit o repetition
•Pag-iisa-isa
•Pagbibigay kahulugan
Ito ay uri ng reiterasyon kung saan ito ay inuulit ang salita o parilala upang bigyang diin ang ideya
Pag-uulit o repetisyon
Ito ay uri ng reiterasyon kung saan ibinabanggit ang mga bahagi o detalye ng isang pangkahalatang ideya
Pag-iisa-isa
Ito ay uri ng reiterasyon kung saan ipinapaliwanag ang isang salita o konsepto upang higit na mauunawaan
Pagbibigay ng kahulugan
Ito ay tumutukoy sa mga salitang karaniwang magkasama o may relasyon sa isa’t isa
Kolokasyon
Tungkulin ng wika na kung saan ito ay tumutugon sa mga pangangailangan
Instrumental
Ito ay tungkulin ng wika na kung saan kumokontrol o gumagabay sa kilos o asal ng iba
Regulatori
Tungkulin ng wika na kung saan ito ay nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
Personal
Ito ay tungkulin ng wika na kung saan nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
Imajinativ
Ito ay tungkulin ng wika na kung saan ito ay naghahanap ng mga impormasyon o datos sa paraan ng pagtatanong o pakikipanayam
Heuristik
Ito ay tungkulin ng wika na kung saan ito ay nagbibigyan ng impormasyon o datos sa paraan ng pag-uulat o pagtuturo
Informativ
Ito ay tungkulin ng wika na kung saan nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag
Representativ
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon
Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap
Panghihikayat (Conative)
Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon
Paggamit bilang sangunian (Referential)
Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas
Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa
Patalinghaga (Poetic)
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nakakawing sa mga salita, parirala, at sugnay
Cohesive device o kohesiyong gramatikal