pp Flashcards
kahulugan ng “traduttore, traditore”
tagasalin, taksil
Ano ang priyoridad sa pagsasalin?
- Kahulugan
- Estruktura
- Estilo
- Pinaglalaanang tao
Ano-ano ang dalawang elementong dapat mayroon sa pagsasalin?
- SL ( source language o simulaang lengguwahe)
- TL (target language o tenguhang lengguwahe)
Paano ang daloy ng pagsasalin?
SL —> TL
3 Kahalagahan ng pagsasalin?
- Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika
- Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa
- Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin
2 Pangkalahatang layunin sa pagsasalin
- Imitasyon o panggagaya
- Reproduksiyon o muling-pagbuo
Gawaing sumasaklaw sa paghahanap na katumbas sa salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda
Imitasyon o panggagaya
Ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin
Reproduksiyon o muling-pagbuo
Bakit dapat magsalin?
- Selection
- Codification
- Implementation
- Elaboration
Anong panahon ang kasintanda din ng nakalimbag na panitikan ang pagsasalin sa pilipinas
Panahon ng Kastila
Panahon kung saan naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang nasa wikang ingles
Panahon ng Amerikano
Pagsasalin ng mga materyales pampaaralan gaya ng aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa
Patakarang Bilinggwal
Ayon sakanila ang lokalisasyon ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa baway target na bansa.
Minako O’Hagan
Uri ng salin na kung saang kabilang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham at teknolohiya.
Pagsasaling Siyentipiko at teknikal
Pagsalin na mas mahirap isalin ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin (purong agham)
Tekstong Siyentipiko
- Mas kongkreto, mas kolokyal at mas madaling unuwain (aplayd na agham at teknolohiya)
- Ang Layunin nito ay mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo.
Tekstong Teknikal/ Pagsasaling Teknikal
Pagsasaling sinasalamin ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akda; natatangi ang tektong ito dahil sa estetika o ganda nito.
Pagsasaling pampanitikan
Paghahanap ng salita na pantumbas sa isinasaling salita
Aktuwal na pagsasalin