pp Flashcards
Pagbuo ng kahulugan mula sa nakasulat na
teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at
magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon.
PAGBASA
Iba’t ibang anyo ng sulatin na kinapapalooban
ng iba’t ibang impormasyon.
TEKSTO
hango lamang sa imahinasyon ng may akda
PIKSYON
may katotohanan ang bawat impormasyon
DI – PIKSYON
isang uri ng babasahing di piksyon.
TEKSTONG IMPORMATIBO
Naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa paksa. Layunin nitong maglahad ng impormasyon na hindi nababahiran ng
opinyon o pananaw ng may-akda.
TEKSTONG IMPORMATIBO
uri ng tekstong impormatibo
nagbibigay paliwanag kung paano naganap ang isang bagay o pangyayari
PAGPAPALIWANAG
Layunin ng mayakdang magpalawak ng kaalaman ng mambabasa ukol sa isang paksa
LAYUNIN NG MAY-AKDA
Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. (Organizational Markers)
PANGUNAHING IDEYA
Nakatutulong ito upang maitatak sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing kaisipang nais nating ipabatid.
PANTULONG NA KAISIPAN
Makatutulong sa mga magaaral na magkaroon nang mas malawak na pagunawa sa binabasang tekstong impormatibo.
Paggamit ng mga nakalarawang
representasyon (Biswal)
b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa
teksto.
c. Pagsulat ng mga talasanggunian.
ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN, AT
SANGGUNIAN
Sa uring ito ng teksto,
inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon.
(Sino, ano, kalian at paano).
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/
Kasaysayan
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at ‘di nabubuhay,
gayundin sa mga pangyayari sa paligid
Pag-uulat Pang-impormasyon
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. ( Siklo ng buhay ng mga hayop)
Pagpapaliwanag
Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari
sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan
nang may maayos na pagkakasunod-sunod
mula simula hanggang katapusan
TEKSTONG NARATIBO
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o
naririnig kaya gumagamit ng panghalip na
ako.
Unang Panauhan
mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na” ka o
ikaw” subalit hindi ito gaanong ginagamit ng
mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay
Ikalawang Panuhan
Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon
sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit
niya sa pagsasalaysay ay” siya”. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at
nasa labas siya ng mga pangyayari.
Ikatlong Panuhan
nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng
mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng
bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip,
damdamin, at paniniwala ng mga ito sa
mambabasa.
MALADIYOS NA PANAUHAN
nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa
mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang
tauhan.
LIMITADONG PANAUHAN
hindi niya napapasok o nababatid ang ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga
tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig
niyang mga pangyayari, kilos o sinasabi lang
ang kanyang isinasalaysay
TAGAPAG-OBSERBANG PANAUHAN
hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t
ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay
KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN
Tauhan mismo ang nagsasalita ng
diyalogo sa kwento
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Manunulat ang nagsasaad o nagsasalita
ng diyalogo ng tauhan sa kwento
Di- direkta o di-tuwirang Pagpapahayag
Gumaganap sa isang kwento. Nakikilala ang
tauhan depende sa kung paano siya gumaganap
sa isinasalaysay na kwento.
Tauhan
kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao
ng tauhan
Expository
kung kusang mabubunyag ang
karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
Dramatiko
sa pangunahing
tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari
sa kwento mula simula hanggang sa
katapusan. Karaniwang iisa lamang ang
pangunahing tauhan.
Pangunahing Tauhan
Kumakalaban o
sumasalalungat sa pangunahing tauhan,
Katunggaling Tauhan
karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
Kasamang Tauhan
ang kasamang tauhan
ay karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
Kasamang Tauhan
laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Ang May- akda
isang tauhang may multidimensiyonal o maraming
saklaw ang personalidad
Tauhang Bilog (Round Character)
ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable
Tauhang Lapad (Flat Character)