Ponema at Balagtasan (A2, A3) Flashcards
ay isang yunit ng tunog na kumakatawan sa bawat
letra. Kapag pinagsama-sama ang mga tunog, nakabubuo ng salita.
ponema
ano ang 2 URI NG PONEMA
- Ponemang Segmental
- Ponemang Suprasegmental
• Ginagamit upang makabuo ng mga salita upang bunuo ng mga pangungusap.
• Ito ay kinakatawanan ng titik o letra.
Ponemang Segmental
•Ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang
pakikipagtalastasan.
• HINDI ito kinakatawanan ng titik o letra.
Ponemang Suprasegmental
tumutukoy sa intonasyon, diin, at punto ng patinig sa isang salita.
Ponemang Suprasegmental
ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Diin
Halimbawa:
BUHAY
bu.HAY/ alive
/BU.hay/ life
diin
ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap.
Tono o intonasyon
ano Antas ng Tunog: ?
mataas 3
normal 2
mababa 1
saglit na pagtigil sa pagsasalita upang upang higit na maging malinaw ang mensahe
Antala
Halimbawa:
Hindi ako ang salarin!
(hindi siya ang suspek)
Hindi, ako ang salarin!
(siya ang suspek)
Antala
ay marka na makikita o inilalagay sa ibabaw ng isang titik upang malaman ang tamang bigkas ng isang salita.
Tuldik
Ginagamit ang _____ kung ang konteksto ay hindi sapat upang maging tiyak ang kahulugan ng isang salita.
tuldik
pahilis (’)
ay inilalagay sa huling patinig ng salita kapag mabilis ang bigkas.
• Inilalagay naman sa ikalawang patinig kapag ang bigkas ng salita ay malumay o may lundo sa pantig bago ang huling pantig.
gandá, tagál (mabilis na bigkas)
bayábas (malumay na bigkas)
Pahilis
tuldik na paiwa (`)
ay inilalagay sa huling patinig kung ang bigkas ng salita o pagbigkas ng salita na katulad ng malumay ngunit may impit sa huling pating.
lumà, suyò
paiwa
tuldik na pakupya (^)
ay inilalagay sa huling patinig kung ang bigkas ng salita ay maragsa o pagbigkas ng salita na katulad ng mabilis ngunit may impit sa huling patinig.
ngitî, tukô
pakupya
Mabagal na walang impit
pahilis (’) sa ibabaw ng patinig ikalawang sa huling pantig
Daanan o lagusan
Malumay páso
Mabagal na may impit
Paiwa (`) sa ibabaw
ng patinig sa huling pantig
-Sanhi ng init
Malumi paso
Mabilis na may impit
Pakupya (^) sa ibabaw ng patinig sa huling pantig
Lalagyan ng halaman
Maragsa
pasô
Mabilis na walang impit
pahilis (’) sa ibabaw
ng patinig sa huling pantig
Salitang Espanyol na nangangahulugang
“dumaan” o “lumipas”
Mabilis
pasó
> ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng
pagtula.
> Mayroong dalawang makata na nagpapahayag ng kanilang katwiran at may lakandiwa na tumatayong tagapamagitan sa pagtatalo.
BALAGTASAN
> May napapanahong paksa na pinagtatalunan
Layunin nitong magbigay ng aliw sa mga manonood batay sa mga matatalinong pangangatwiran, panunuya, panlilibak, at
pagpapatawa.
BALAGTASAN
Galileo Zafra (2000)
Taas ng diwa
Linaw ng katwiran
Sarap ng salita
> Kapampangan - “________” (Juan Crisostomo Soto)
Ilokos - “bucanegan” (____ ___)
crissotan
Pedro Bukaneg
ay isa sa mga patulang pagtatanghal na kinagigiliwan ng mga Pilipino noon.
balagtasan
Ito ay bunga ng pagpupulong ng mga manunulat sa Tagalog noong ika-28 ng Marso 1924 sa Instituto de Mujeres, Tondo, Maynila bilang paghahanda sa selebrasyon ng kaarawan ni Balagtas.
balagtasan
Hinahangaan ng mga Pilipinong makata _________ _________ dahil sa kahusayan sa pagtula kaya naman, isinunod sa kaniyang pangalan ang pagtatanghal.
Francisco Balagtas
sino ang may akda ng “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
Sina Jose Corazon de Jesus at Florentino
Collantes
- ang dalawang masugid na mambabalagtas na kinilala noong dekada 1920.
- Ang kanilang mga plyesa sa balagtasan ay karaniwang tungkol sa panunuligsa sa pamamahala ng mga Amerikano matapos ang rebolusyon.
Jose Corazon de Jesus at Florentino
Collantes
• Pulilan, Bulacan
• Dahil sa kaniyang kahiligan sa pagtula, nakapagsulat siya sa publikasyong Tagalog na Buntot Pagi, Pagkakaisa, at Watawat.
Florentino Collantes
Naanyayahan siyang maging kasapi ng mga manunulat sa Tagalog at maging bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Francisco Balagtas noong 1924.
Florentino Collantes
• “Hari ng Balagtasan”
• Santa Cruz, Maynila
. Kilalang makata na may alyas na “Huseng Batute”
Jose Corazon de Jesus