Pokus ng Pandiwa Flashcards
Ang tawag sa makahulugang relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap.
Pokus ng Pandiwa
- Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap.
- Sumasagot sa tanong na “ Sino?
Pokus sa Aktor
Ang layon ng pandiwa ang siyang
nagiging paksa ng pangungusap.
Sumasagot sa tanong na “Ano?”
Pokus sa Layon
Ang pokus ay nasa lokasyon.
Ang paksa ay ang lugar na ginagapan ng
pandiwa sa pangungusap. Sumasagot sa tanong na “ Saan?”
Pokus sa Lugar
Ang binibigayang-diin ay ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos. Ang paksa ay ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot sa tanong na “para kanino?”
What is emphasized is the object or person to whom the action is directed.
Pokus sa Tagatanggap
Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon
ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Ex: Pinuntahan ng mga pulis ang bangko kung saan naganap ang krimen.
Pokus sa Direksyon
Ang bagay ay ang ginagamit sa pagganap
ng kilos.
Ipanghahalo niya ang sandok sa linugaw
Pokus sa Gamit
Ang paksa ang nagpapahayag ng
sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap.
Ikinatuwa ng mga tao ang pagkakapanalo ni Manny Pacquiao
Pokus sa Sanhi (emosyon)