pokus ng pandiwa Flashcards
ang mga pangunahing panlaping nasa pokus na ito ay ang -um, mag-/nag-, mang-, maka-, at makapag-
pokus sa tagaganap o aktor pokus
ang mga panlaping kadalasang naghuhudyat ng pokus na ito ay -in, i-, ipa-, at -an
pokus sa layon o gol pokus
ang panlahat na panlaping ginagamit sa pagpapahayag ng pokus na ito ay ang i-, ipang-, at ipag-
pokus sa tagatanggap o benefaktib pokus
ang kadalasang panlapi na ginagamit upang maihudyat ang pokus na ito ay ang unlaping pinang-/pinag-
pokus sa gamit o instrumental pokus
ang pandiwa ay nasa _____ kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumagawa o tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
pokus sa tagaganap o aktor pokus
ang pandiwa ay nasa ____ kung ang paksa o ang binibigyang-diin ng pangungusap ay ang layon/goal/objek na isinasaad ng pandiwa
pokus sa layon o gol pokus
ang pandiwa ay nasa ____ kung ang paksa o ang binibigyang-tuon ng pangungusap ay ang pinaglalaan ng kilos na isinasaad ng pandiwa
pokus sa tagatanggap o benefaktib pokus
ang pandiwa ay nasa ____ kung ang paksa o ang binibigyang-pansin ng pangungusap ay ang gamit na bagay o kasangkapan upang maisakatuparan ang kilos na isinasaad ng pandiwa
pokus sa gamit o instrumental pokus