Patnubay sa Epiktibong Pagbabasa✒️ Flashcards
Ano ang Tatlong Lawak ng Kasanayan sa Pagbasa
a. Bilis at kaayusan sa pagbabasa
b. Pag-unawa at Pagpapanatili sa Isipan ng Binasa:
c. Matamang Pagsusuri sa Nilalaman.
Mga Patnubay sa MakabuluhangPagbasa
- Kahandaan pisyolohikal at sikolohiya
- Ang ugnayan ng bumabasa’t layunin ng pagbasa
- Kaalaman pangwika
Mapabibilis ang pagbabasa nang tahimik sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pangalagaan ang kundisyon ng paningin. Tiyaking may wastong liwanag at tahimik ang kapaligiran.
2. Palawakin ang talasalitaan
3. Basahin ang buong kaisipan, hindi paisa-isang salita lamang.
Bilis at kaayusan sa pagbabasa
Sya ay ophthalmologist at direktor ng Philippine Eye Research Institute ng UP Manila National Institutes of Health,
Leo Cubillian,
Gaano karami ang Pilipino ang may kapansanan sa paningin.
Dalawang Milyon
Siyasatin ang materyal na babasahin. Tingnan ang pamagat at nilalaman (Table of Contents) kung ayon sa layunin ng pagbabasa.
2. Kailangang may malawak na talasalitaan.
3. May sapat na kabatiran sa tayutay at idyoma.
4. Kailangang makuha ang mga pahiwatig at matatalinghagang pakahulugan sa likod ng mga pangungusap.
5. Itala ang mga bagay na mahalaga at nais matandaan.
Pag-unawa at Pagpapanatili sa Isipan ng Binasa:
- Dapat mabatid o makilala kung awtoridad sa paksa ang pinanggagalingan ng pahayag.
- Kung may sapat na batayan at matamang pag-aaral, pagsubok o pagsasaliksik na ginawa hingil sa paksa.
- Mapagtimbang-timbang kung totoo o likhang-isip lamang ang binasa.
Matamang Pagsusuri sa Nilalaman.
- Suriin sa isip kung nakamtan ang layuninsa pagbabasa. Kung nakapaglibang o may mga bago st mahalagang bagay na napadagdag sa kaalaman.
- Magkaroon ng wastong sikolohiya sa pagbabasa.
Matamang Pagsusuri sa Nilalaman
Mga Pamamaraan ng Pagbasa
KASWAL
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.
KASWAL
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ano ang Mga Pamamaraan ng Pagbasa
MATIIM NA PAGBASA
RE-READING O MULING PAGBASA
PAGTATALA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, research, at iba pa.
MATIIM NA PAGBASA
Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag- unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.
RE-READING O MULING PAGBASA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
PAGTATALA