Patakarang Piskal PPT Flashcards
Tumutukoy sa pagtaas ng antas ng dami ng produkto at serbisyo na naiprodyus ng ekonomiya ng isang bansa sa partikular na panahon
Paglagong ekonomiko
Gawi o behavior ng pamahalaan patungkol sa paggastos at pagbubuwis
Patakarang Piskal
Isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa
Expansionary Fiscal Policy
Ipinapatupad kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkahalatang presyo ng ekonomiya
Contractionary Fiscal Policy
Sapilitang kontribusyon ng mga mamamayan at mga kompanya para sa pamahalaan upang matustusan ang mga gastusing pampubliko
Buwis
Buwis na ipinapataw upang mabawasan ang ano mang pagmamalabis sa isang gawain o negosyo
Regulatory Tax
Buwis para sa mga dokumento, instrumento, kasunduan sa utang at mga papeles na nagsisilbing ebidensya ng pagtanggap, pagtalaga, pagbenta o paglipat ng ano mang karapatan, obligasyon at pag-aaring lupa, bahay at lupa
Documentary Stamp Tax
Buwis na binabayaran ng mga mamamayan para sa pagkonsumo ng ibat ibang produkto at serbisyo
Excise tax o buwis sa produkto at serbisyo
Aang buwis na ito ay ipinapataw dagdag sa Valu Added Tax
Excise Tax
Ang buwis na ito ay ipinapataw batay sa bigat o dami ng kapasidad ng mga produkto gaya ng mga alak at tabako o mga serbisyo
Specific Tax
Ipinapataw sa mga produkto gaya ng mga sasakyan o serbisyo batay sa halaga ito (selling price) o mga serbisyo
Ad Valorem Tax
Ang kabuuang plano na maaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon
Pambansang Badyet