Paraan ng Pangangalalap ng Datos Flashcards
Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong ginamit.
Paraan ng pangangalalap ng datos
Pangunahing Mapagkukuhanan ng Datos
- Opinyon ng mga EKSPERTO
- Pagkonsulta sa mga AKLAT at ARTIKULO
- OBSERBASYON sa mga karanasan
- SARILING paniniwala
Isinasaad kung paano gagawin para masubok ang Reliability ng pag-aaral. Nangangahulugan din ito ng ganap na kawastuhan ng datos. Ito ay kadalasang kinukuha sa tulong ng mga bihasa sa estadistika. Kaakibat nito ang tinatawag na validity na may kinalaman sa ugnayan ng mga datos. Sinusukat dito ang lawak ng pagtatamo ng mga layuning hinahangad na matamo o masukat ng pamamaraa.
Kahusayan sa pagsubok
Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa bahaging ito ipinaliliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang kasagutan ngmga kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan.
Pagsusuri ng mga Datos
(2) Uri ng Pagtatala ng mga Impormasyon O Datos
- Tuwirang Sipi
- Pabuod
Ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o talata.
Tuwirang Sipi
Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong mahahaba. Kailangang maisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng mananaliksik. (Paraphrasing ang tawag dito)
Pabuod
Ito ay bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na kakikitaan ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
Ang talasanggunian o Bibliyograpiya