Paraan ng Pagsasalin Flashcards
Ito ay mga naratibong hango sa aral at pahayag ni Hesukristo mula sa Bibliya kung saan una itong umusbong sa mga sibilisasyong Griyego na naglalaman ng simpleng naratibo at may bitbit na aral.
Parabula
TAMA O MALI
Ang parabula ay limitado sa mga kuwentong hango kay Kristo.
MALI
Hindi Limitado
TAMA O MALI
Ang parabula ay gumagamit ng talinghaga sa pagdiin ng aral o kaisipan na pagmumunihan ng mambabasa.
TAMA
TAMA O MALI
Ang parabula ay kalipunan ng maiikling kuwento na karaniwang nasa anyong patula dahil na rin nagmula ito sa oral na panitikan at nagpapayo tungkol sa moralidad o pananampalataya sa buhay.
TAMA
Ito ang tawag sa aklat kung saan nakapaloob ang pinagsama-samang 27 aklat.
Testamentong Griyego o Mga Kasulatang Griyego
Sino ang nagsalaysay ng parabulang “Ang Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin”?
Christopher S. Rosales
Ito ay ang pagsusuring ginagamit sa pagtukoy ng pamantayang moral ng isang akda.
Dulog Moralistiko
Ito ay ang akto ng pagtutumbas ng kahulugan ng isang salita o konsepto mula sa orihinal na wika patungo sa isa pa.
Pagsasalin
Ayon sa kaniya, ang pagsasalin ay ang paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na diwa o mensaheng nakasaad sa wikang isasalin.
Larson, 1984
Ayon sa kaniya, dahil sa pagsasalin, naiintindihan ang isang banyagang wika, gayundin ang isang banyagang kultura at paniniwala.
Dr. Raniela Barbaza (2016)
TAMA O MALI
Batay kay Larson, para sa Pilipinas, napakahalagang maisalin sa Filipino ang mga pananaliksik at malikhaing akda na nakasulat sa iba’t ibang wika ng bansa, dahil mas naititindig ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, maging ang ating pagkabansa.
MALI
Ayon kay Dr. Raniela Barbaza
Ano-ano ang 3 paraan ng pagsasalin?
(1) Literal
(2) Adaptasyon
(3) Malaya
Ito ay ang pagsasaling itinutumbas ang direktang salin ng isang salita mula sa orihinal nito, kung saan pinananatili nito ang orihinal na estruktura ng orihinal na teksto.
Literal
Ito ay malayang pagsasalin na karaniwang ginagamit sa pagsasalin sa mga akdang pampanitikan gaya ng dula, awit, at tuka mula sa isang anyo tungo sa ibang anyo.
Adaptasyon
Sa paraang ito, nasa pagpapasiya ng nagsasalin kung paano niya isasalin ang orihinal na likha sa saling-wika.
Malaya