PAP WEEK 1-4 Flashcards
⤻ ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang
elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik
(Spalding, 2005)
○ ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
ayon kina constantino at zafra (2010)
○ isa sa pinakamahamong bahagi ng pagsulat ng
pananaliksik.
○ bago makabuo ng isang mabisang pananaliksik
kinakailangang maisaalang-alang ang mabusising
pagpili ng paksa.
○ ang magsisilbing pundasyon ng isang pananaliksik.
○ kung mag-iisip at magiging mapanuri ang mananaliksik, marami pang maaaring mapagkukunan ng paksa.
pagpili ng paksa
6 mga maaaring pagkunan ng paksa (ITDMSI)
internet at social media
telebisyon
diyaryo at magasin
mga pangyayari sa paligid
sa sarili
interes at kakayahan
○ bahagi na ng buhay ng tao
○ hindi matatawaran ang kontribusyonng naihatid nito sa tao, mula sa pangyayari sa loob at labas ng bansa ay maaaring makita rito.
○ ito ang karaniwang tinitingnan mula sa paggising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi.
○ napakaraming impormasyong taglay ang internet kung magiging mapanuri.
internet at social media
○ pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinion, editoryal at mga artikulo.
○ suriin at baka naririto ang mga paksang aakit sa iyong atensyon.
diyaryo at magasin
○ isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa
panahon ng cable at digital television.
○ sa panonood ng mga balita, mga programang
pantanghali, teleserye, talk shows at iba pa ay
maaaring mapagkukunan ng paksang maaaring
gawan ng pananaliksik.
telebisyon
○ ang pagiging mapanuri sa mga pangyayari o bagong kalakaran sa paligid ay maaaring maging paksa ng pananaliksik.
mga pangyayari sa paligid
○ kung may tanong kang naghahanap ng kasagutan
subalit hindi mo naman maihanap ng kasagutan.
○ o kaya’y may interes ka o mga bagay na “curious” ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito.
○ maaaring mula sa mga tanong mula sa iyong sarili aymakbuo ka ng makabuluhang paksa.
e. sa sarili
○ dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktwal na pagsasagawa nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin.
○ sa ganitong paraan mas mabilis ang daloy ng
pagsasagawa ng pananaliksik dahil gusto mo ang
iyong ginagawa.
interes at kakayahan
→ isa sa mga bagay na kinakailangan isaisip bago
simulan ang pagpili ng paksa ay ang pag-alam sa
layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
→ nang sa gayon ay maihanay o maiugnay mo sa mga ayuning ito ang iyong mga gagawin
alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
→ isa sa mga bagay na kinakailangan isaisip bago
simulan ang pagpili ng paksa ay ang pag-alam sa
layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
→ nang sa gayon ay maihanay o maiugnay mo sa mga ayuning ito ang iyong mga gagawin
alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
→ isa sa mga bagay na kinakailangan isaisip bago
simulan ang pagpili ng paksa ay ang pag-alam sa
layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
→ nang sa gayon ay maihanay o maiugnay mo sa mga ayuning ito ang iyong mga gagawin
alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
mga hakbang sa pagpili ng paksa
- alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
- pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa
sulating pananaliksik - pagsusuri sa mga itinalang ideya
- pagbuo ng tentatibong paksa
- paglilimita ng paksa
→ ang mga paksang mapipili ay kinakailangang
nakaugnay sa layunin.
→ may mga pagkakataon na guro ang magbibigay ng mga paksa ngunit kung sakaling wala kang
magustuhan sa mga paksang pagpipilian ay maaaring
magtala ng mga paksang ayon sa iyong interes.
→ tandaan na kinakailangang iugnay ito sa iyong
layunin sa pagsulat ng paksa.
pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa
sulating pananaliksik
→ suriin at isa-isahin ang mga isinulat mong ideya.
→ piliin ang mga paksang kawili-wiling gawin o
saliksikin, interesado kang talakayin at mga paksang
alam na alam mo na at nais pang palawakin.
→ isaalang-alang ang kagamitang mapagkukunan ng impormasyon at tayain ang angkop sa iyong antas at kakayahan na matapos sa takdang panahon ang isinasagawang pananaliksik.
pagsusuri sa mga itinalang ideya
→ tingnan at suriing mabuti ang mga napili,
magdesisyon ka at itanong ito sa sarili.
→ alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o
pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong
maihahanap ng kasagutan, atbp.
pagbuo ng tentatibong paksa
→ hindi maiiwasan na sa una’y malawakang paksa ang mabubuo mo kaya kinakailangan mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.
paglilimita ng paksa`
paano bumuo ng paksa sa pananaliksik?
⤻ nakahihikayat na paksa
⤻ napapanahon at maaaring mapakinabangan ang
kalalabasan ng pananaliksik.
⤻ may sapat na mapagkukunan ng impormasyon
⤻ interesado ka sa paksang iyong tatalakayin.
⤻ iwasan ang masyadong malawak na paksa ganun din ang mga paksang limitado.
tandaan ang mga sumusunod:
⤻ mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga
materyal na magagamit na sanggunian.
⤻ kahit gaano man kaganda ang napiling paksa, mahirap
pa ring maisakatuparan dahil sa kakulangan ng
materyales na gagamitin bilang sanggunian.
⤻ isaalang-alang ang kabuluhan ng paksa.
→ magagamit ba ito sa hinaharap?
→ maaari bang maging daan upang magkaroon
ng panibagong pananaliksik?
⤻ isaalang-alang ang kakayahang pinansyal.
⤻ bukod sa kahandaan ng mananaliksik sa pagsusuri at pangangalap ng mga tala, ay kinakailangan handa rin ang pinansyal na aspeto para matapos ang isinagawang pananaliksik.
iv. iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa:
- mga usaping may kinalaman sa relihiyon at moralidad na mahirap hanapan ng obhektibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay.
- mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na magagamit bilang saligan ng pag-aaral.
- mga paksang itinuturing nang “gasgas” o gamit na
gamit sa pananaliksik.
paglimita ng paksa (6)
⌗ paglilimita ng panahon
⌗ kasarian
⌗ edad
⌗ tiyak na uri o anyo
⌗ lugar
⌗ propesyon o grupong kinabibilangan
○ sa paglilimita ng panahon, pipili tayong taon kung
hanggang saan lamang ang sakop ng ating
pag-aaralan.
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga noong taong
2017-2018.
paglilimita ng panahon
○ sa paglilimita ng panahon, pipili tayong taon kung
hanggang saan lamang ang sakop ng ating
pag-aaralan.
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga noong taong
2017-2018.
paglilimita ng panahon
○ lalaki o babae ang target na respondent ng iyong
gagawing pag-aaral.
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga sa kalalakihang nakagamit nito.
kasarian
○ edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga sa mga
kabataang may edad na 15- 18.
edad
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga sa kalusugan
tiyak na uri o anyo
○ saan isinasagawa ang pananaliksik
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga sa Unibersidad ng Manila.
lugar
○ nalimitahang paksa : Epekto ng Droga sa mga
mag-aaral.
propesyon o grupong kinabibilangan
para mas maging tiyak o partikular
ang ating paksa, maaari pa nating pagsama-samahin ang mga batayan.
halimbawa : Paksa + Pangkat + Lugar + Panahon
→ Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Maynila sa taong 2017- 2018.
kombinasyon
⤻ sistema ng isang maayos na paghahati ng kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat.
⤻ mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito
upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa
magiging nilalaman ng isang pananaliksik.
⤻ nakatutulong ito sa paglilimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat tandaan.
pagbabalangkas
⤻ karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa.
⤻ ang pinaka pundasyon ng sulatin na nagsisilbing
hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.
tentatibong balangkas