Panitikan (Uri at Kahulugan) Flashcards
Ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao; nagsasabog ng pag-ibig at kaligayahan na nagpapayaman sa kaisipan at karanasan, nagpapalalim ng pagkaunawa, lumilinang ng kamalayang pansarili, panlipunan at pambansa, at nagpapahalaga sa mga karanasang nagiging timbulan sa oras ng pangangailangan.
Panitikan
Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa lipunan, pamahalaan, kapaligiran, kapwa at Dakilang
Lumikha
Bro. Honorio Azarias at Jose Villa Panganiban
Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito masasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan,
matalinghaga at masining na mga pahayag.
Maria Ramos
Ang panitikan ay isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay
ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan
Arrogante
Ang panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon
sa kanilang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran, gayundin sa
kanilang pagsusumikap na makita ang Maykapal.
Atienza, Ramos, Zalazar, Nozal
Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang
kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.
C. Sauco, et.al.(2004)
Ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit
may takdang anyo o porma katulad ng ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay.
L. Santiago 1993
- Isinusulat nang pasaknong, binibigkas nang may indayog, matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari rin
itong malaya na wala ang sukat o ano mang tugmaan.
Patula
Isinusulat nang patalata, karaniwan ang mga salita at tuloy-tuloy ang pagpapahayag.
Tuluyan
-Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga
tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang
patula.
Patanghal
- Isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan na makikita sa silong ng alinmang
langit.
Tula
Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan,
Epiko
- Isang uri ng tulang lalabindalawahing pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula
sa danas ng isang indibidwal. Hal. Florante at Laura
Awit
Isang uri ng tula na wawaluhing pantig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang
karaniwang nilalaman nito.
Korido
Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw
Balad
Isang debateng sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalake
Balitao
Binubuo ng labing-apat na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Soneto
Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na
gawain. Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ang mga ito batay sa okasyong
paggagamitan.
Kantahing Bayan o Awiting Bayan
awitin sa pamamangka
Talindaw
awitin sa mga kasal at panliligaw
Diona
awit pampatulog sa mga musmos na anak.
Oyayi
awit ng pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos o Maykapal
Dalit
tumatalakay sa damdamin, panaghoy o panangis para sa alaala ng yumao.
Elehiya
- tumutukoy sa papuri o masiglang damdamin. Ito’y walang bilang ng pantig at saknong.
Oda
awit ng pakikidigma at pakikibaka
Kumintang
awitin matapos ang maghapong pagtratrabaho sa bukid, o dili kaya’y awit sa pasasalamat sa
masaganang ani.
Kalusan
awit ng tagumpay
Sambotani
awit tungkol sa pag-ibig
Kundiman
Pagpapalitan ng katwiran sa anyong patula.
Balagtasan
Mga sinaunang tula na maikli lamang.
Karunungang Bayan
Mga butil ng karunungan na hango sa karanasan ng mga matatanda, nagbibigay ng mabuting
payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala ng mga kaugalian at karaniwang patalinghaga.
Salawikain
- Gumagamit ng pamumuna ng kilos o gawi ng isang tao. Hindi ito gaanong matalinghaga tulad
ng salawikain.
Kasabihan