Panitikan sa Panahong Kastila Flashcards
Ang pangunahing sasakyang-pandagat na nagbago sa takbo.
Galyon
Kung nagawang pagtagpuin ng kalakalan ang Manila sa silangan, ano naman sa kanluran?
Acapulco, Mexico
Ang sentro ng Kalakalang Galyon, pamumunong politikal, ekonomiko, at kultural ng mga Kastila.
Intramuros, Manila
Dalawang katawang pantubig na malapit sa Intramuros.
Manila Bay at Pasig River
Ang tatlong uri ng kultura.
Kulturang dominante, papausbong o emergent, at latak o residual.
Paglalahad ng dalawang magkasalungat na katangian kung saan nagkakaroon ng pagpabor sa isa ang kaayusan.
Binary Opposition
Ang tawag sa mga komunidad kung saan nakasentro ang simbahan bilang pinakamakapangyarihang institusyon.
Pueblo
Lugar sa Maynila na malapit ngunit hindi nakapaloob sa Intramuros. Nagsisilbing tirahan ng mga Tsinong nakatutulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa.
Binondo
Sistema ng mananakop na Espanyol upang mabantayan at mapasunod ang mga katutubo. Sumusunod sa bisa ng “divide and conquer”.
Reduccion
Ang gitna ng pueblo.
Simbahan
Ginamit ito para maaaring bantayan ng mga taong-simbahan ang magiging pagkilos ng mga indibidwal.
Kampana o Bell Tower
Ginagamit ito ng mga prayle sa tuwing magbibigay ng Sermon.
Pulpito
Ginagawa nitong mabantayan ang mga katutubo batay sa mga kwento at kasalanan kanilang ibinabahagi sa mga prayle.
Confessionario
Nasa poder nito ang palengke para mapangasiwaan ang pangongolekta ng tributo o taxes.
Munisipiyo
Accessible lamang sa mga nakaririwasang naninirahan malapit dito gayong abala rin sa iba’t ibang anyo ng trabaho o forced labor ang mga ordinaryong mamamayang.
Plaza
Ang pamantayan o standard ng mga kolonisador sa pagkatha ng panitikan.
Pasulat
Ang paraan kung paano nag-aral ng wikang Filipino ang mga Kastila.
Aklat sa Balarila at Mga Diksiyonaryo o Bokabularyo
Mga akda hinggil sa buhay ng mga santo.
Mga Rehiliyosong Akda
Tumutukoy sa mga Indiong/Katutubong natutuhan ang wikang Espanyol sa pamamagitan matagalang pagbabad at pagtatrabaho sa simbahan kasama ang ilang mga prayleng Kastila.
Makatang Ladino
Hanay ng mga prayleng nagsalin ng ilang relihiyosong teksto mula Kastila tungo sa wikang bernakular.
Makatang Ladino
Kuwento ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Kristo.
Pasyon
Dulang bersiyon ng Pasyon.
Senakulo
Naglalaman ng mensahe hinggil sa kung papaano mainam na gawing ehemplo si Hesus na pigura ng walang hanggang pasensiya at pagpapatawad.
Pasyon
Hindi pa ganap na nobela sapagkat ipinadadaloy ang kuwento sa pamamagitan ng pagpapalitan ng sulat ng magkapatid.
Urbana at Feliza
Naglalaman ng mga tradisyonal na paniniwala hinggil sa pagiging babae: paano dapat kumilos, anong asal ang dapat mamayani.
Urbana at Feliza
Mensahe: itinatala ang mga hindi bagay na kultura sa mga Indio.
Tandang Basio Macunat
Anyo ng Florante at Laura.
Awit
Anyo ng Ibong Adarna.
Korido
Dula na nahahawig ang tema sa nilalaman ng Awit at Korido.
Komedya
Panitikan na may mundo ng pantasiya na hiwalay sa marahas na katotohanan ng mga Indio.
Awit at Korido
Patungkol sa buhay-buhay ng mga Hari, Reyna, Prinsipe, at Prinsesa mula sa malayong lugar.
Awit, Korido, at Komedya
Ang may-akdang makata ng May Bagyo Ma’t May Rilim.
Una Persona Tagala