Panitikan Ng Pilipinas Flashcards
Ano ang Panitikan?
Tumutukoy sa mga akda na nakasulat o naisulat
ng mga manunulat at kadalasang naglalarawan ng karanasan,
emosyon, kaisipan, at iba pang mga konsepto na nais ipahayag ng
may-akda.
Ano ang Panitikan?
Ito ay naglalarawan ng buhay, kultura, pamahalaan, relihiyon, at
iba pang karanasan na nabibigyang kulay ng iba’t ibang damdamin
tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot, at
pangamba.
Ang salitang panitikan ay mula sa salitang?
“pang-titik-an“. Ito ay
binubuo ng unlaping “pang“, hulaping “an” at ang salitang ugat na
“titik“.
Ano ang 2 Uri ng Panitikan?
Panitikan Piksyon
Panitikan Hindi Piksyon
Ano ang Panitikang Piksyon?
Ang panitikang piksyon ay isang uri na naglalaman ng mga
kwentong kathang-isip na nagpapakita ng mga karakter,
pangyayari, at mga lugar na hindi tunay o hindi nangyari sa
totoong buhay.
Ang Panitikang Piksyon ay…
May malaking papel sa kultura at nakatutulong sa
pagpapalawak ng imahinasyon at paglikha ng mga kaisipan na
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga tao at mundo.
Ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng libangan sa mga
mambabasa at nagbibigay ng mga ideya at konsepto tungkol sa
mga tao, lugar, at mga pangyayari.
Nagbibigay rin ito ng inspirasyon sa mga tao upang maging
malikhain upang gumawa ng sariling kwento at kaisipan.
Ano ang Panitikang Hindi Piksyon?
Ang panitikang hindi piksyon ay isang uri na hindi naglalaman ng
mga kwentong kathang-isip, ngunit naglalayong magbigay ng
impormasyon at kaalaman sa mambabasa.
Ang Panitikang Hindi Piksyon ay…
Maaari rin itong maglaman ng mga personal na karanasan ng mayakda, tulad ng mga memoir at mga diary.
Ito ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng kaalaman at
impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa iba’t ibang mga
paksa.
Ito ay maaaring magbigay ng inspirasyon, magturo ng mga bagong
kasanayan, at maghatid ng kaalaman sa mga mambabasa upang
mapalawak ang kanilang pang-unawa sa mundo.
2 Anyo ng Panitikan
Akdang Tuluyan
Akdang Patula
Ano ang Akdang Tuluyan?
Ang akdang tuluyan ay isang uri ng panitikan na nakasulat ng
parang talata o prosa. Ito ay binubuo ng mga salita na nabuo ng
magkakasunod na mga pangungusap na naglalaman ng mga
detalyadong paglalarawan, eksposisyon, pangangatwiran, at iba pa.
Halimbawa: Anekdota, Nobela, Pabula, Parabula, Maikling
kuwento, Dula, Pasaling Dula, Sanaysay, Talambuhay, Talumpati,
Balita, Kuwentong bayan, Salawikain, Kasabihan, Alamat, Mito.
Ano ang Akdang Patula?
Ang akdang patula, sa kabilang dako, ay isang uri ng panitikan na
nakasulat sa anyong tula. Ito ay binubuo ng mga taludtod na may
parehong bilang ng pantig sa bawat linya at may tinutukoy na
tugma at sukat.
Halimbawa: Awit at Korido, Epiko, Balada, Sawikain, Salawikain,
Bugtong, Soneto, Kantahin, Tanaga, Tula
10 na Elemento ng Panitikan
- Paksa
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Estilo
- Layunin
- Tonong Pampanitikan
- Tekstura
- Imahen
- Porma
8 Tema at Motibo ng Panitikan
- Pag-ibig
- Kalikasan
- Kalayaan
- Pagsasalaysay
- Kahirapan
- Pag-asa
- Pagnanais
- Pagkakaiba-iba
4 na Kahalagahan ng Panitikan
- Pagpapakita ng Pagkakakilanlan
- Pagpapanatili ng mga Tradisyon at Kultura
- Pagbibigay ng Inspirasyon at Motibasyon
- Pang-unawa sa Ibat ibang Uri ng Karanasan
Sinaunang Panitikan sa Pilipinas
- Epiko - mahahabang tula na naglalarawan ng kabayanihan, pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ng mga sinaunang bayani.
Ex. Biag ni lam-ang Ilocano, hinilawod ng bisaya at maragtas.
- Kwento - naglalarawan ng pang araw araw na karanasan at may aral na mapupulot.
- Korido - tula na naglalarawan sa pagibig, pakikipagsapalaran at pakikisapanganib.