Panitikan Flashcards
Nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig
Alamat
Pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyang na tao na nag-iiwan ng aral
Anekdota
Mahabang babasahin na nahahati sa bawat kabanata at kinapapalooban ng maraming tauhan at nagsasanga-sangang pangyayari.
Nobela
Kuwento kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop na gumaganap at kumikilos na parang mga tao.
Pabula
Kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Malimit nangangaral at nagpapayo.
Parabula
Maikling salysayin, pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kaintalan or impresyon lamang.
Maiklingkwento
Nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Itinatanghal sa entablado.
Dula
Isang komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon or kuro-kuro ng may-akda
Sanaysay
nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay tala, pangyayari o inpormasyon
Talambuhay
Isang buod ng kaisipan opinion ng isang tao na pinababatid sa mamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Talumpati
Kilala rin sa tawag na Poklor mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na pangyayari sa partikular na bayan.
Kwentongbayan
Kuwentong tumatalakay sa mga Diyos at Diyosa, nagbibigay paliwanag hingil sa likas na kaganapan.
mitolohiya
nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
panitikan
Uri ng komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa loob at labas ng bansa
Balita
Kumakatawan ito sa samasamang paninindigan ng patnugutan.
editoryal