panitikan Flashcards
Sino ang nag sulat ng bata bata pano ka ginawa
Lualhati Bautista
Ang nobela ay isang akdang
akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento
na nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa
katergoryang piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang kathang isip lamang ng
manunulat. Naglalaman ito ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari
at may kaganapan sa iba‟t-ibang tagpuan.
Sa nobela ay maaaring higit sa isa ang tunggalian na maaaring panloob (tao
laban sa sarili) o panlabas (Tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan, tao laban sa
lipunan, at tao laban sa sarili)
- Tao laban sa Tao. Ang tunggaliang ito ay ang pangunahing uri ng panlabas na
tunggalian.Dito, ang tauhan ay nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan.
. 1. Tao laban sa Sarili. Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng
tauhan. Halimbawa nito ang suliraning may kinalaman sa moralidad at paniniwala.
Karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipiliin-ang tama o mali, o mabuti o
masama? Maaari rin namang tungkol ito sa pagsupil sa sariling damdamin
2.
Tao laban sa kalikasan . Karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan o mga
tauhan ay direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan. Halimbawa nito ang
karanasan ng mga tauhan habang at pagkatapos ng isang natural na kalamidad o ang
biglaang pagsabog ng bulkan na nagbabanta sa buhay ng mga turistang nasa paanan
ng bulkan
Tao laban sa Lipunan. Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis ang
tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan. Nangyayari din ito
kapag tahasang binabangga o binubuwag ng tauhan ang kaayusang sa tingin niya ay
sumusupil sa kaniya.
opinyon ay isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga
makatotohanang pangyayari at hindi maaaring mapatunayan kung tama o mali.
Pagbibigay ng Matatag na Opinyon
Buong giting kong sinusoportahan ang…
Kumbinsido akong…
Labis akong naninindigan na…
Lubos kong pinaniniwalaan…
Ang pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayaring nagaganap o namamamalas sa
ating paligid ay maituturing na na bahagi na ng ating pang araw-araw na buhay . Sa
pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusupan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging
katanggap-tanggap ang ating mga opinyon.