Panitikan Flashcards
Mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may mga kababalaghang hindi kapani-paniwala.
Epiko
Isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula.
Balagtasan
Paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing na patay bilang pang-aliw sa mga ulila nito.
Duplo
Paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa patay
Karagatan
Tulang iriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao
Oda
Tula tungkol sa kamatayan o pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na
Elehiya
binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral
Salawikain
Isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa bibliya
Parabula
- Ito ang anyo ng panitikan na naglalayong mabigyang-kasagutan ang pinagmulang mga bagay, pook, pangyayari, o katawagan bagama’t: mahiwaga at hindi kapani paniwala ang nilalaman ay kasasalaminan ne kultura ng rehiyong pinagmulan.
Alamat
Siya ay tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”.
Gregoria de jesus
“Ang Lobo at ang Uwak” ang isa sa mga pinaka-kinagigiliwan ng sinaunang pabula. Sino ang manunulat at tinaguriang ama ng sinaunang pabula?
Aesop
Kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Emilio aguinaldo
Siya ang sumulat at nag-akda ng ating Pambansang Awit na kung tawagin ay “Lupang Hinirang”
Jose palma