PANITIKAN Flashcards
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama - samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
LIPUNAN
Sila ay nomadikong grupo dahil wala silang
permanenteng tirahan.
HUNTING GATHERING SOCIETY
Isa sa pinakamahalagang kontribusyon
ng hunting gathering socitety ay ang pagtuklas ng?
APOY
Ito ay nanggaling sa salitang Latin na Hortus at Kultus
Horticultural Society
Hortus
Hardin
Kultus
Linangin
Susunigin nila ang mga puno at puputulin ang mga halaman
Slash and Burn Technology
Isang lipunan kung saan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan ay ang pagtatanim, pangingisda, pangangaso at
iba pang gawaing pang-agrikultural.
AGRARIAN SOCIETY
Isang lipunang patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng
teknolohiya upang mas mapalago ang produksyon na siyang
susuporta sa kabuuang populasyong nasasakupan nito.
Industrial Society
Ang pinagkaiba nito sa industrial
society ay mas kumikita sa panahong ito ang mga nasa service
sector tulad ng mga production workers at construction workers.
Binigyan halaga dito ang information, service, at advance
technology. Sa lipunang ito, nakakalamang ang mga taong may
pinag-aralan.
Post Industrial Society
Pinasikat niya ito noong 1973 sa kanyang aklat na nagsimula noong late 20th century sa bansang US
DANIEL BELL - The coming of post industrial society
MGA URI NG LIPUNAN
Hunting Gathering Society
Horticultural Society
Agrarian Society
Industrial Society
Post Industrial Society
Sino-sino ang mga sikologo nagpapahulugan tungkol sa Lipunan
- Emile Durkheim
- Karl Marx
- Charles Cooley
Sinasabi niya na ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganao ang mga pangyayari at gawain.
Emile Durkheim
Sinasabi niya na ang Lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan
Karl Marx
Ayon sa kanya Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanilang pangagailangan.
Karl Marx
Sinasabi niya na ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Naunawaan at higit na nakilala ng tao ang kanyang sarili sa pmamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan
Charles Cooley
Ano ang dalawang Mukha ng ng Lipunan
Istrukturang Panlipunan
Kultura
Ito ay binubuo ng mga institusyong may organisadong sistemang ugnayan sa isang lipunan
Institusyong Panlipunan
Ano ang mga elemento ng Institusyong Panlipunan
PAMILYA
EKONOMIYA
EDUKASYON
PAMAHALAAN
Isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang
Pamilya
Pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Ekonomiya
Ang katuwang at nagbibigay ng mga pangangailangan ng isang pamilya. Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga taong namumuhay sa isang komunidad.
Pamahalaan
Ang institusyong panlipunan ay binubuo ng?
Social Group
Ano ang dalawang uri ng Social Group?
Primary Group
Secondary Group
Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad ng katangian na nagkakroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan
Social groupI
Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan
Primary Group
Binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan.
Secondary Group
Elemento ng Istrukturang Panlipunan
Institusyong Panlipunan
Status
Gampanin (Roles)
Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan
Status
Ito ay maituturing maging inspirasyon sa kanyang hangarin na makapagtapos ng pag-aaral
Ascribed Status
Dalawang Uri ng Status
Ascribed Status
Achieved Status
Ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon at inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.
Gampanin (roles)
Sinasabing ang mga gampaning ito, ang nagiging batayan ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan
Gampanin (Roles)
Isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay ng kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan
Kultura
Kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mg tao, ang batayan ng kilo at gawi at kabuuang gawin ng tao
Kultura
Dalawang uri ng kultura
Materyal na Kultura
Di-Materyal na Kultura
Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan
Kultura
Binubuo ito ng mga gusali, likhang sining, kagamitan at iba pang
bagay na nakikita at nahahawakan at gawa ng tao.
Materyal na kultura
Kabilang dito ang batas, gawi, paniniwala at norms ng isang grupo.
Di Materyal na Kultura
MGA ELEMENTO NG KULTURA
Paniniwala
Pagpapahalaga
norms
Mores
Simbolo
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniwalaan at tinatanggap na totoo.
PANINIWALA
Ito ay maituturing na batayan ng isang grupo o ng lipunan sa
kabuuan kung ano ang katanggap–tanggap at kung ano ang
hindi.
*Ito ang batayan kung ano ang tama at mali, maganda at kung
ano ang nararapat at hindi nararapat.
PAGPAPAHALAGA
Tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na binubuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan.
NORMS
*Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang kanyang
kinabibilangan.
NORMS
Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos.
MORES
Ito ay ang paglapat ng kahulugansa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.
SIMBOLO
Dalawang Uri ng Anyo ng Panitikan
PIKSYON (KATHANG-ISIP)
DI-PIKSYON (DI KATHANG ISIP)
Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang isip lamang.
PIKSYON
Isang paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may–akda bilang katotohanan na bumabatay sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kanyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
DI-PIKSYON
TATLONG KAPARAANAN URI NG PAGHAHALIN
PASALIN-DILA
PASALINTRONIKO
PASALINSULAT
Ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao ay bahagi ng pakikipagtalamitan at pakikisalamuha.
PASALIN-DILA
Ang pagsasalin ng panitikan ay sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika na naging ganap ang dokumentasyon.
PASALINTRONIKO
Naging maluwag na pagsasama–sama ng mga salita sa loob ng pangungusap.
TULUYAN (PROSA)
Pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma–tugma.
PANULAAN (TULA)
Ang bawat taludtod ay maaring may sukat at tumaang pantig sa hulihan o sadyang malaya na ang ibig sabihin ay di alintana ang sukat at tugma.
PANULAAN (TULA)
*Ang mga ito ay nauuwi sa tulang pasalaysay, liriko, tulang \padula at tulang patnigan.
PANULAAN (TULA)
Ito ay nakikita o itinatanghal sa entablado o inilalabas sa tanghalan.
PATANGHAL (DULA)
ELEMENTO NG TULUYAN(PROSA) “9”
ANEKDOTA
NOBELA
MAIKLING KWENTO
ALAMAT
PABULA
SANAYSAY
TALAMBUHAY
BALITA
TALUMPATI
Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
ANEKDOTA
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may kakintalan o impresyon.
MAIKLING KWNETO
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing–kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon.
NOBELA
Ito ay nauukol sa pinagmulan ng isang bagay at hubad sa katotohanan dahil ito ay likhang isip lamang
ALAMAT
Kinasangkutan ang salaysaying ito ng mga hayop, halaman, at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos o nagsasalita na para bang tunay na mga tao.
PABULA
Nagpapahayag ng kuro–kuro ng isang may–akda hinggil sa suliranin o akda. Ito ay maaaring pormal o impormal.
SANAYSAY
Ito ay kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaring pansarili o paiba.
TALAMBUHAY
Paglalahad ng mga pang–araw–araw na pangyayari sa lipunan.
BALITA
Paglalahad ng mga pang–araw–araw na pangyayari sa lipunan
TALUMPATI
Kasama rito ang kritisismong ginagamit sa panitikan na nagmula sa mga makanluraning bansa
DALA NG MGA AMERIKANO
Ayon sa kanya, nagsilbing isang hamon sa mga
mambabasa ng panitikan at iskolar na bumuo ng isang dulog o panunuring taal na masasabing atin
BIENVENIDO LUMBERA
Sinasabi niya, ang panitikan ay nakasulat bilang mga
polemikong sanaysay at polyeto noon.
Ang naunang pag aaral at pagsusuri ng panitikan ay walang malinaw na pamantayan ng pagsusuri o pagkilates.
SOLEDAD REYES
Ayon sa kanya, dapat ay gumawa tayo ng “Bagong
Pormalismong Filipino” na sagot na natin sa kultura ng mga kritisismo ng kanluran.
VIRGILIO ALMARIO (1997)
Ninanais niyang makalaya tayo mula sa istilo ng pagsusuri ng mga dayuhan at magkaroon tayo ng sarili nating pagkakakilanlan.
VIRGILIO ALMARIO
Ayon kay _____ mayroon limang katanungan dapat mabatid at masagot ng sinumang nais maging kritiko.
NICANOR TIONGSON
Ano ang Limang katanungandapat mabatid at masagot ng sinumang nais maging kritiko ayon kay Nicanor Tiongson
- Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng likhang
sining? - Paano ito ipinararating?
- Sino ang nagpaparating?
- Saan at kailan sumupling ang likhang sining na ito?
- Para kanino ang likhang sining na ito?
Binanggit niya sa kanyang librong kritisismo na kalimitang pagbibigay kahulugan sa panitikan ay isang salamin, larawan, isang repleksyon ng buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan.
SOLEDAD REYES
Ito ay ang mahalagang kasangkapan sa pagsusuri at kritisismo
TEKSTO
Mga malimit na gamitin sa panunuring pampanitikan
“16”
MORALISTIKO
FORMALISTIKO
HISTORIKAL AT SOSYOLOHIKAL
KULTURAL
ROMANTISISMO
EKSISTENSIYALISMO
ISTRUKTURALISMO
DEKONSTRUKSYON
REALISMO
ARKETIPAL
IMAHISMO
HUMANISMO
MARXISMO
FEMINISMO
KLASISMO
QUEER
Sa ganitong oryentasyon, ipinapalagay na ang akda ay may
kapangyarihang maglahad hindi lamang ng literal na
katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga.
MORALISTIKO
Isang perspektibong na ang kwento ay binubuo ng mga pormal
na elemento o sangkap.
FORMALISTIKO
Isang halimbawa nito ay ang Mga Pusong Sugatan ni Guillermo
FORMALISTIKO
Isang perspektibo na ang akda ay produkto o artifact ng isang partikular sa kasaysayan at sosyolohikal na lipunan.
HISTORIKAL AT SOSYOLOHIKAL
HALIMBAWA NITO AY
*Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal
*Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo
HISTORIKAL AT SOSYOLOHIKAL
*Sa perspektibong ito ay sumusuri sa iba’t ibang kultural na salik
ng ating pagkatao.
*Kinikilatis ang iba’t ibang salik na bumubuo ng mga identidad.
KULTURAL
Bawat domeyn o salik sa Panunuring Panitikan ayon kay Dr. Rolando Tolentino
URI
LAHI AT ETNISIDAD
*Ito ay batay sa kakayahan ng tauhan, mayaman o mahirap at
katayuan sa lipunan.
URI
*Tinitingnan sa salik na ito ang relasyon ng dalawang panig at
kung paano ito inuugat, pinapaunlad at nireresolba sa kwento.
URI
Relasyon ng mga mamamayan ng
mahirap at mayamang bansa o anumang pormasyong
panlipunan.
LAHI
pagtukoy sa iba’t ibang etnikong pinagmulan
ng bumubuo ng isang bansa: Tsina, Kastila, Ilokano, Bisaya at iba pa.
ETNISIDAD
Pinaniwalaan na ang daigdig ay hindi isang walang kahulugang kasalimuotan na kaaway ng tao.
ROMANTISISMO
*Ito ay pagkakasundo, marunong ang lahat at itinatataguyod ng katarungan at pag ibig.
ROMANTISISMO
ANO ANG HALIMBAWA NG ROMANTISISMO
Sayang na Sayang ni Keith Cruz
*Ito ay pinaniwalaang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa sistema ng paniniwala. Ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili.
EKSISTENSIYALISMO
Ito ay nagpapatunay na ang wika ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi hinuhubog din ang kamalayang pangwika.
ISTRUKTURALISMO
Halimbawa ng Istrukturalismo
Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
Winawasak nito ang kabuuan ng sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad.
DEKONSTRUKSYON
Halimbawa ng Dekonstruksyon
Si Tata Selo ni Rogelio Sikat
Ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda, na susuriin ang masalimuot na realidad batay sa mga pagpapatunay sa mga makatotohanang datos at gagamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad.
REALISMO
Halimbawa ng Realismo
Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
Ito ay nakapako ang atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa.
ARKETIPAL
Halimbawa ng ARKETIPAL
GAPO NI LUALHATI BAUTISTA
Layunin nito na gumamit ng mga imahen na higit na
magpahahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin. Ang may akda ibinahagi na higit na madaling mauunawaan kaysa gumagamit lamang ng karaniwang salita
IMAHISMO
Halimbawa ng Imahismo
ANG RILES SA TIYAN SA PANULAT NI EUGENE EVASCO
Ang tao ang sentro ng daigdig.
HUMANISMO
HALIMBAWA NG HUMANISMO
Mose Moses ni Rogelio Sikat
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na pwersa ng malakas at mahina, mayaman o mahirap, kapangyarihan at naaapi.
MARXISMO
Walang Panginoon ni Diosgracias Rosario
MARXISMO
*Maaring tingnan ang imahen,pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.
FEMINISMO
HALIMBAWA NG FEMINISMO
SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri layon ay
katotohanan, kabutihan at kagandahan, malinaw, marangal, payak, matimpi,obhetibo at may hangganan
KLASISMO
HALIMBAWA NG KLASISMO
FLORANTE AT LAURA NI FRANCISCO BALAGTAS
Layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual.
QUEER
HALIMBAWA NG QUEER
GIRL BOY BAKLA TOMBOY NI NOEL LAPUZ
Matapat sa sariling itinuturing panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.
ANG MAHUSAY NA KRITIKO
Ayon sa kanya, kailangan ng isang kritiko ay
may damdaming naninindigan upang tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.
ALEJANDRO G. ABADILLA