Panitikan Flashcards
Reviewer
Panitikan
anumang gawa ng tao na nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, karanasan, ideya, opinion, kultura at ano pa man.
Uri ng Panitikan ayon sa Paghahalin
1.Pabigkas (Pasalin-Dila)
2. Pasulat (Pasalin-Sulat)
3. Paelektroniko (Pasalintroniko)
ANYO NG PANITIKAN SA PNGKALAHATANG PAGKILALA
1.PIKSYON (KATHANG-ISIP)
2.DI-PIKSYON (DI KATHANG-ISIP)
ANYO NG PANITIKAN AYON SA GENRE
1.PATULA
2. PATULUYAN
3. PATANGHAL
Matandang katawagan sa orasyon. Ginagamit bilang pangontra sa kulam, engkanto o masasamang espiritu.
BULONG
Gumigising sa isipan ng mga tao upang lutasin ang isang suliranin
PALAISIPAN
Pagpupuna sa isang gawi o kilos ng tao upang ito’y matuwid o mabigyang direksiyon.
KASABIHAN
Tinatawag ding kaalamang bayan. Nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapaloob sa bawat kultura ng isang katutubo.
KARUNUNGANG BAYAN
Maikling salaysay na nagpapalipat-lipat isip sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig.
KWENTONG-BAYAN
Kadalasang paksa ay tungkol sa mga diyos at diyosa at mga espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng isang tao.
MITOLOHIYA
tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao. Nagtataglay ito ng kahiwagaan, kagila-gilalas, kababalaghan at mga di kapani-paniwalang pangyayari.
EPIKO
DALAWANG PANAHON NG PANITIKAN
- Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal.
- Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso.
MGA IMPLUWENSIYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO
- Ang alibata , kauna-unahang alpabeto ng mga Pilipino na nahalinan ng alpabetong Romano.
- Ang pagtuturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
- Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikang Filipino noong panahon. Marami sa salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
- Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
ILAN SA MGA AKDANG PANRELIHIYON
DOCTRINA CRISTIANA
NUESTRA SENORA DEL ROSARIO
BARLAAN AT JOSAPHAT
ito ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Aklat ito nina Padre Juan de Plasencia at Padre Dominggo Nieva.Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal, at katesismo. Mayroong itong 87 pahina lamang.
DOCTRINA CRISTIANA