PANITIKAN Flashcards
ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
panitikan
Ayon kay ____ , Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap
Arogante (1983)
Ayon naman kay ____ , ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alin mang uri ng lipunan
Salazar
Ayon naman kay ___ ang panitikan ay Katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, estetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang maliw
Webster(1947- 1957),
nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis” na nangangahulugang “pakiramdam”, o “dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas at panloob ) ng tao”
Estetiko/Estetika
ay yaong uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita ( ng kahit na anumang iyon )
estesis
Ang Sentido ng tao ay nahahati sa dalawang uri:
Sentidong panlabas (“external senses”
Sentidong panloob (“internal senses”)
ang literatura ay galing sa Latin na _____ na nangunguhulugang titik.
littera
-mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay bagay karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggagalingan ng mga bagaybagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya. Isang mahusay na halimbawa nito ay ang Alamat ng Pinya
Alamat
ay bahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na pangkat ng mga tao ; sinasaklaw nito ang mga tradisyon karaniwansa kalinangan,subkultura,o pangkatna iyon.
Kwentong-Bayan
tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapanagan at pakikipagsapalaran.
Epiko
maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
Salawikain
palarong pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
Bugtong
paghiling sa isang patay
Bulong
ito ay ang sunod-sunod na gawaing mayroong mga kilos ,salita at mga bagay na idinaraos sa isang malaya o liblib na lugar
Ritwal
Pangunahing layunin: 3 Gs
(GOD, GOLD, GLORY)
Dalawang uri ng Panitikan noong panahon ng Kastila
Pamaksang pananampalataya
kabutihang asal
Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria bilang bahagi ng pagninilay at pagbibigay-pugay.
Santa Cruzan
Pagtibag ng bundok upang hanapin ang Krus ni Hesus
Tibag
Paghahanap ni Maria at Jose ng lugar kung saan maaaring ipanganak si Hesus
Panunuluyan
larong may kaugnayan sa kamatayan
Duplo
URI NG PANITIKAN
BATAY SA PAGSALIN:
Pasalin-dila
Pasulat-dila
URI NG PANITIKAN
BATAY SA ANYO
Tuluyan/Prosa
Patula