Panimulang panitikan Flashcards
“Pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa lipunan, pamahalaan, kapaligiran, kapwa at Dakilang Lumikha”
Ano ang panitikan?
Honorio Azarias
“Ito ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pagasa, hinaing at guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.”
Ano ang panitikan?
Maria Ramos
“Ito ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng amdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanilang pangaraw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang kapaligiran, gayundin sa kanilang pagsusumikap na makita ang Maykapal.”
Ano ang panitikan?
Atienza, Ramos, Salazar at Nazal, 1984
“Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.”
Ano ang panitikan?
Jose Arrogante
“Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ano ang panitikan?
Panganiban, 1954
“Ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay.”
L. Santiago, 1993
Salita na nagmula sa salitang TITIK na may unlaping PANG (na naging PAN dahil sa tuntuning pangwika na pan ang gagamitin kapag ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula sa d,l,r,s, at t) at hulaping AN.
Ito ang salitang panumbas sa Filipino sa
salitang Literatura o literature na kapwa nakabatay sa salitang latin na litera na ang ibig sabihin ay letra o titik.
Jose Villa Panganiban, 1954
Panitikan
“Ito ay isang buhay na organismo na rito nagaganap ang
mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.”
Ano ang lipunan?
Emile Durkheim
“Ito ay pinagkakikitaan ng tunggalian ng awtoridad. Ito ay bunga ng pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang kanilang pangangailangan.”
Ano ang lipunan?
Karl Marx
“Ito ay binubuo ng tao na may magsalabid na samahan at tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na nakilala ang kaniyang sarili nang dahil sa pakikisama sa iba pang mga miyembro.”
Ano ang lipunan?
Charles Cooley
Ito ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng
sama-sama sa isang nakaayos na komunidad na may
iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay
binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at
kultura.
Lipunan
Isinusulat nang pasaknong, binibigkas nang may indayog, matalinhaga, may sukat at tugma. Maaari rin itong malaya na wala ang sukat o ano mangtugmaan.
Uri ng panitikan
Patula
Isinusulat nang patalata, karaniwan ang mga salita at tuloy-tuloy ang pagpapahayag.
Uri ng panitikan
Tuluyan
Kung ang panitikan ay itinatanghal sa entablado. Pa-iskrip ang pagkakasulat nito at binubuo ng mga tagpo at yugto. Dati itong nasasaklaw ng anyong patula noon sapagkat ang mga dula noon ay itinatanghal nang patula.
Uri ng panitikan
Patanghal
Mga uri ng panitikan
- Patula
- Tuluyan
- Patanghal
Isang tulang nagsasaad ng kabayanihan at kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan,
Uri ng akdang patula
Epiko
Mga halimbawa ng Epiko
● HudhudniAliguyon - Ifugao
● BiagniLam-ang - Ilokano
● Ibalon - Bikol
● Kudaman - Palawan
● Hinilawod - Panay
● LabawDonggon - Bisayas
● IndarapatraatSulayman - Maguindanao
● Bidasari - Mindanao
Isang uri ng tulang 12 pantig at binibigkas nang mabagal. Ang mga kaganapan ay nagmula sa danas ng isang indibidwal.
Halimbawa: Florante at Laura ni FranciscoBalagtas
Uri ng akdang patula
Awit
Isang uri ng tula na 8 antig at binibigkas nang mabilis. Pantasya at kababalaghan ang karaniwang nilalaman nito.
Halimbawa: Ibong Adarna
Uri ng akdang patula
Korido
Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y inaawit habang may nagsasayaw
Uri ng akdang patula
Balad
Isang **debateng sayaw **tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at lalake
Uri ng akdang patula
Balitao
Binubuo ng 14 na
taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Uri ng akdang patula
Soneto
Isang uri ng tulang liriko na karaniwang inaawit na may kaalinsabay na gawain.
Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. May iba’t ibang uri ang mgaito batay sa okasyong paggagamitan.
Uri ng akdang patula
Kantahing bayan o Awiting bayan
Awitin sa pamamangka.
Isang uri ng kantahing bayan
Talindaw