Pangkalahatang Flashcards
Ito’y nasusulat ng mga tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.
Panitikan
Itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula.
AESOP
Itinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento.
Edgar Allan Poe
Ama ng Balarila ng Wikang Filipino.
Lope K.Santos
Ito ay isang paraan ng pagsusulat ng ating mga katutubo ngunit ito ay dapat tawagin na Baybayin. Ito ay binubuo ng labimpitong titik (17). Meron itong labing-apat katinig at tatlong (3) patinig. tatlo lamang ang patinig dahil ang E at I ay (14)iisa at ang O at U ay iisa rin lamang.
Alibata
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na “maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.
Ang pagtutong nakapokus sa mag -aaral ( Learner - CenteredTeaching)
Isa mahalagang teknik na malayang nagtatala ng mga salita tungkol sa sang tapik o paksa.
Brainstorming
Ito’y isinusulat ang pinakatampok na ideya sa gitna ng papel.
Klastering Maping
Ang pamaraang ito , nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang ang kakayahan at kasanayan sa pagplano, sa pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kakayahan sa mabuting pakikipagtulungan sa mga kapangkat at ang kakayahan sa pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o sama ng loob.
Ang Pamaraang Pabalak ( Project Method)
Ang pamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang makatuklas ng kaalaman, konsepto , kaisipan, simulain at paglalahat. Ang mga mag-aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi basta lamang tagatanggap ng ano-anong mga idinidikta sa kanilang mga kaisipan at kaalaman.
Ang Pamaraang Patuklas (Discovery Method)
Ito ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
Ang Pamaraang Pasaklaw (Deductive Method)
Ito’y nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat pagbubuo ng tuntunin.
Ang Pamaraang Pabuod (Inductive Method)
Ito ay baryabol sa pagpili ng angkop na paraan ng pagtuturo.
Paksa
Ang pagkakaroon o availability ng iba’t ibang instrumento, ___________ay dapat na isaalang-alang sa pagpili ng paraan ng pagtuturong gagamitin.
Kagamitan
Ito’y mahalagang baryabol sa pagpili ng pamaraang gagamitin at mahalagang salik ang kanilang kakayahan, kawilihan, karanasan at mga pangangailangan.
Mag -aaral
Siyang magsasagawa ng pipiliing paraan ng pagtuturo ay mahalaga, siyempre pa, sapagkat siya ang magbibigay ng buhay at sigla sa kung ano mang paraan ang mapili.
Guro
Ito ay tumutukoy sa uri ng pamaraang isasagawa sa pagututuro.
Layunin
Sa bahaging ito inilalahad ang bagong aralin sa pamamagitan ng pangungusap talata, dula, tugma o anumang lunsaran.
Paglalahad ( Presentation)
Ito’y pagdulog ay napagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng katha, ang tema, ang tauhan, ang tagpuan at ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Pagdulong Promalistiko
Sa pag-aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa mgakaranasan ng tao sa iba’t ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan.
Pagdulog Sosyolohikal
Ito ay binibigyang-diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang kasamaan.
Pagdulong Moralistiko
Ito’y matapos mailahad sa pisara ang mga sitwasyong ginagamitan ng may at mayroon, sa pagpapatuloy ng ating halimbawa, bayaang ang mga mag-aaral ang maka-tuklas sa kaibahan ng gamit ng dalawang ito.
Paghahambing at Paghalaw (Comparison at Abstraction)
Ito’y matapos na masuri ng mag-aaral at maibigay ang pagkakaiba ng gamit ngdalawa, maaari na silang papagbuuin ng tuntunin tungkol sa gamit ng may at mayroon.
Paglalahat (Generalization)
Sa bahaging ito, susubukin ng guro kung nalalaman na ngang talaga ng mga mag-aaral ang paksang-aralin.Maaari ring magbigay ng maikling pagsubok na pasulat.
Paggamit ( Application)