Pang-abay Flashcards
Ito ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at iba pang pang-abay.
Pang-abay
Ito ay ang salitang nagsasabi o nagpapahiwatig kung kailan naganap, ginaganap, o gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
Pamanahon
Ito ay ang salitang nagsasabi kung saan ginagawa, ginagawa, o gagawin ang isang pangyayari o kilos.
Panlunan
Ito ay ang salitang ginagamit upang ipakita kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang isang pangyayari o kilos.
Pamaraan
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Mabilis niyang pinuntahan ang kaibigan nang malamang aalis na ito.
Mabilis - Pamaraan
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Manonood kami ng liga sa basketball court ng barangay.
Sa basketball court - Panlunan
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Idinaraos tuwing Agosto ang Buwan ng Wikang Pambansa.
Tuwing Agosto - Pamanahon
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Manonood kami sa Disyembre ng pelikulang Pilipino.
Sa Disyembre - Pamanahon
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Mahusay magkuwento ng magagandang alamat ang aming guro sa Filipino.
Mahusay - Pamaraan
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Nagdarasal ako tuwing umaga upang magabayan ako sa aking pag-aaral.
Tuwing umaga - Pamanahon
Ano ang uri ng pang-abay ang nasa halimbawa?
Pumasok siya nang dahan-dahan upang hindi magambala ang kaniyang inang natutulog.
Nang dahan dahan - Pamaraan