pananaliksik (quiz 2\25\15) Flashcards
ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
a) Fly Leaf 1
ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
b) Pamagating Pahina
ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
c) Dahong Pagpapatibay
tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
d) Pasasalamat o Pagkilala
nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
e) Talaan ng Nilalaman
nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f) Talaan ng Talahanayan o graf
isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
g) Fly Leaf 2
KABANATA 1.
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
a) Ang Panimula o Introduksyon \ 1
inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
b) Layunin ng Pag-aaral \ 1
inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
c) Kahalagahan ng Pag-aaral \ 1
tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
d) Saklaw at Limitasyon \ 1
ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
e) Definisyon ng mga Terminolohiya \ 1
Maaaring itong: Operational na Kahulugan
– kung paano ito ginamit sa pananaliksik Conceptual na Kahulugan
– istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.
KABANATA II:
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA